Alamin: Mga bagay na hindi maaaring dalhin sa carry-on at check-in baggage sa eroplano

Imahe mula sa Pixabay
  • Naglabas na ng bagong listahan ang aviation regulators ng mga bagay na hindi pinahihintulutang bitbitin ng mga pasahero sa eroplano
  • Ilan sa mga dumagdag sa kanilang listahan na hindi na maaaring dalhin mapa-carry-on o check-in baggage man ay lighter, insect repellant spray, suka, at pintura
  • Siniguro naman ng aviation regulators na para ito sa seguridad at proteksiyon ng mga bumibiyahe

Mas pinalawak ng Office for Transportation Security o OTS ang kanilang listahan ng mga bagay na hindi pinahihintulutang dalhin ng mga pasahero sa loob ng eroplano mapa-carry-on o check-in baggage man.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon sa OTS, naging dahilan ng kanilang aksiyon ang pagpapatibay ng seguridad at proteksiyon ng mga pasahero sa eroplano. Layunin rin umano nilang sundin ang international standard na itinalaga ng International Civil Aviation Organization pagdating sa pagsakay ng eroplano.

“Security is non-negotiable. We urge the public to refrain from bringing items that are prohibited in the airport to avoid delays and inconvenience,” ani OTS Administrator Undersecretary Arturo M. Evangelista sa isang pahayag.

Ilan sa kanilang mga isinama sa listahan ng mga hindi maaaring dalhin sa eroplano ay mga bagay na may kemikal, t0xic substances, at iba pang maaaring magdala ng pangamba sa seguridad ng mga pasahero.

Kabilang sa kanilang listahan ang lighter, insect repellant spray, suka, pepper spray, pintura, at hoverboard na hindi maaaring dalhin sa carry-on baggage o check-in baggage pa man.

Nilinaw rin ng OTS sa kanilang bagong listahan ang mga kagamitan na maaaring ilagay sa cabin o check-in baggage, basta’t pasok sa special instructions ng airlines o sa bansa o lugar na pupuntahan ng mga pasehero.

Imahe mula sa Pixabay

May suhestiyon naman si Usec Evangelista sa mga hindi sigurado sa kanilang mga gamit, “If you are unsure whether an item is prohibited or not, you may contact us through email, SMS Hotline, or any of our official social media accounts.”

Dagdag pa niya, “If it is not that important, we suggest that you just leave it at home”.

Source :

OTS, Facebook, ABS-CBN