Mayor Vico Sotto at Mayor Isko Moreno, nagkaharap na sa unang pagkakataon




  • Nagkaharap sina Mayor Vico Sotto at Mayor Isko Moreno sa kauna–unahang pagkakataon
  • Nagkita sila sa MVP Superhero Fun Run bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Manny V. Pangilinan
  • Umani ito ng iba’t ibang positibong reaksyon mula sa mga netizens

Sa kauna–unahang pagkakataon ay nagkita, nagkaharap, at nagkrus ang landas ng dalawa sa mga pinag–uusapang mga alkalde ngayon na sina Pasig Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Isko Moreno sa Meralco sa Pasig City kaugnay ng isang MVP superhero fun run sa pagdiriwang ng kaarawan ni Manny Pangilinan.

Sa Facebook post ng tv reporter na si Rex Remitio ng CNN Philippines, ibinahagi niya ang larawan ng unang pagkikita nina Mayor Vico at Mayor Isko, na parehong kinakikiligan, kinatutuwaan, at hinahangaan ng kanilang mga nasasakupan. Ito’y dahil sila ang tumibag sa mga “political dynasties” sa Pasig at Maynila, at sa kaunting panahon pa lamang na sila ay nasa katungkulan, marami na kaaagad silang nagawa.

“LOOK: The youngest mayors who ended some of Metro Manila’s longest political dynasties, Isko Moreno of Manila and Vico Sotto of Pasig, met for the first time at an event in Meralco in Pasig City.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rex Remitio

Umani naman ito ng magagandang reaksyon mula sa mga netizens.

“Napakasimple nila… GOD BLESS sa inyo.”

“Young and great mayors… I admire you both. The instrument of God to renew the principles of Manila and Pasig. Keep the good work.”

“The two great mayors who will be the instrument of God to make Manila into a world class organize community little by little and one at a time performance with the help of everyone nationwide. Keep up the good work. Good Luck. God Bless, The Philippines.”

“Achievement pa more sa masang inyong nasasakupan. Good luck and God bless you always!”

“Still skeptical of the Mayor of Manila. I’ll sit it out and wait how it unfolds. As for the one in Pasig, I am rooting for this dude. Praying that they really are the ones who will get us out of this madness.”

Si Mayor Vico ay anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na baguhan pa lamang sa politika habang si Mayor Isko naman ay dating ikalawang mayor ng Maynila.

Public Domain Image