Limang dahilan kung bakit saging ang pinakamasustansyang prutas sa mundo

Larawan mula sa Pexels
  • Itinuturing ng ilang health experts na ang saging ang pinakamasustansyang prutas sa mundo
  • Ayon sa kanila, halos buong katawan ay nakakakuha ng benepisyo mula sa saging
  • Maliban sa healthy, mura pa ang saging kaya maaaring kainin ng kahit na sino

Kung mayroong mga pag-aaral na ang durian ay ang “king of fruits” at ang mangosteen naman ang “queen” dahil sa taglay nitong sustansya, tila mayroong isang prutas naman na hindi man kasing “royal” ng presyo ng durian at mangosteen, ay hindi naman patatalo sa health benefits.

Maraming pag-aaral sa loob at labas ng Pilipinas na nagpapatunay na mayroon ding karapatan sa titulong healthiest fruit ang saging dahil napalulusog nito ang halos buong katawan. Kung hindi ka pa kumbinsido, narito ang limang dahilan kung bakit pinakamasustansya ang saging.

Larawan mula sa Pexels

Maganda sa tiyan

Lahat naman ng prutas ay maganda sa katawan, ngunit karamihan sa mga ito ay mayroon ding negatibong dulot higit sa ating sensitibong tiyan. Madalas na nagiging problema ng ilan ay ang acid na dulot ng prutas. Ngunit ang saging ay mayroong ph0spholipid, protein, sulphur, at potassium na umaakto bilang antacid. Dahil dito, maaari pa ring kainin ng may u1cer at hyperacidity ang saging.

Nagtataglay din ng sapat na dami ng fibers ang saging na nakapagbibigay ng magandang digestion o panunaw. Hindi katulad ng ilang fiber-rich fruits gaya ng langka at durian na may tsansa na makabigat sa tiyan, ang saging ay mayaman sa soluble fibers na kayang tunawin ng ating tiyan.

Mayaman sa potassium

Nagtataglay naman ang saging ng potassium na maganda para sa ating blood pressure at magandang takbo ng pus0. Ayon sa pag-aaral, ang isang medium-sized banana ay mayroong higit 400 mg ng potassium na sapat na para mapanatiling normal ang blo0d pressure at ang pus0.

Kung mayroon namang maintenance medicine para sa altapresyon at pus0, makatutulong umano ang pagkain ng dalawang saging sa isang araw.

Kaibigan ng mga nagda-diet

Kahit na mayroong taglay na katamisan ang saging, hindi naman ito nakapagdudulot ng labis na pagtaba.

Ayon sa website na Healthline, ang saging ay isa sa kanilang weight loss friendly food. Ang isang medium-sized na saging ay mayroon lang daw 100 calories at taglay pa ang ilang essential nutrients na nakukuha natin sa mga multivitamins tulad ng vitamins A, B, C, calcium, at iron. Mayroon din daw resistant starch ang saging na nakabubusog at nakababawas ng appetite ng isang tao.

Larawan mula sa Pexels

Certified mood enhancer

Maraming taglay na anti0xidants ang saging, at isa rito ang dopamine na nagbibigay ng positibong epekto sa ating utak at nagreresulta sa magandang pakiramdam at mood. Dahil maraming taglay na dopamine ang saging, kaya nitong gawing maganda ang mood ng isang tao. Maliban dito, ang ilang antioxidants na mayroon sa saging ay nakababawas ng risk ng pagkakaroon ng karamdaman sa puso at kidneys.

Masustansya para sa bulsa

Bilang isang tropikal na bansa ang Pilipinas, madaling magpatubo ng saging. Dahil dito, hindi nagiging sobrang mahal ang presyo ng saging at mabibili anumang panahon. Kung magaan sa bulsa ang presyo ng isang pagkain at masustansya pa, tiyak ay mas madali itong maisasama sa daily diet ng bawat pamilyang Pilipino.