Implementasyon ng dry run ng provincial bus ban sa EDSA tuloy na




Screenshot mula sa video ng UNTV
  • MMDA itutuloy na ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA
  • Inaasahang sa unang linggo ng Agosto aarangkada ang ban
  • Sa dry run, hindi muna papatawan ng multa ang mga mahuhuling lalabag

Matutuloy na ang planong dry run ng provincial bus ban sa EDSA. Inaasahang sa unang linggo ng Agosto iyon ipatutupad.

Ito ay matapos hindi aksyunan ng  Korte Suprema ang tatlong petisyon para sa temporary restraining order (TRO) para sa implementasyon ng pagbabawal sa mga pamprobinsiyang bus na dumaan sa kahabaan ng EDSA.

Screenshot mula sa video ng UNTV

Dahil sa kawalan ng TRO ay wala nang legal impediment para sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ipatupad ang nabinbin na provincial bus ban.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na target ng ahensya na ipatupad ang ban sa ika-anim o ika-pito ng Agosto. Ang mga mahuhuling lalabag ay hindi raw muna papatawan ng multa.

“Baka ang mangyari, we will do the dry run without enforcement,” sabi ni Garcia sa mga mamamahayag na nagtanong kung mumultahan ang mga violators na mahuhuli.

Pagkatapos ng dry run, ang mga operator at driver na lalabag sa provincial bus ban ay pagmumultahin ng P5,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Sinabi pa ng MMDA na kailangan pa nilang masabihan ang mga lokal na pamahalaan, partikular na ang Pasay at Quezon City, na kanselahin na ang mga business permit ng mga bus terminals sa lugar na kanilang nasasakupan sa EDSA simula sa susunod na linggo.

Screenshot mula sa video ng UNTV

Layunin ng provincial bus ban na mapagaan ang masikip at mabagal na daloy ng trapiko sa EDSA.

Hindi naman naniniwala ang isang opisyal ng malaking provincial bus line na walang garantiya na ang pag-aalis ng mga bus terminal sa EDSA ay makapagpapagaaan sa pagsisikip ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Pocholo Galian, Victory Liner Inc. area manager sa Olongapo City, ang pangunahing sanhi ng mabigat na daloy ng  trapiko sa EDSA ay hindi ang mga provincial buses kundi ang mga private cars.

Source :

Inquirer, Tempo