Nostalgic: Hosts ng defunct children’s show na ‘Art Angel’ na sina Pia Arcangel at Kuya Tonipet, nag-reunion

Larawan mula kay Tonipet Gaba at sa Facebook page ng PopTalk
  • Nag-reunion ang hosts ng children’s show na Art Angel na sina Pia Arcangel at Kuya Tonipet
  • Nagkita ang dalawa sa get together ng mga personalidad ng GMA News and Public Affairs
  • Nostalgic naman para sa maraming batang 90s ang muling pagsasama ng dalawa

Malaking bahagi ng kabataan ng marami sa atin, kabilang na ang mga batang 90s, ang iba’t ibang children’s show. Kadalasang tuwing umaga natin napapanood ang mga educational show na ito na hindi natin namamalayang nakapagbigay na sa atin ng mga kaalaman, at ngayon ay nagdudulot ng masasayang alaala.

Dahil dito, hindi mapigilan ng marami sa atin na kiligin at matuwa kapag nakikitang muling nagkakasama ang mga host ng kinalakihan nating children’s show. Ito ang naramdaman ng maraming batang 90s sa latest tweet ng television personality at host ng isang defunct educational show na ‘Art Angel’ na si Kuya Tonipet.

Larawan mula sa Twitter account ni Tonipet Gaba

Ibinahagi ni Kuya Tonipet, o Tonipet Gaba sa tunay na buhay, sa kanyang Twitter account ang muling pagkikita nila ng co-host ng ‘Art Angel’ na si Pia Arcangel.Ang larawan nila ni Arcangel sa escalator ng mall ay nilagyan ni Tonipet ng caption na “cue music” na isang pahiwatig na kantahin ng kanyang mga followers at fans ang theme song ng kanilang hit show noon.

Anim na taong nagsama sina Tonipet at Arcangel sa nasabing art show na nag-uwi ng iba’t ibang awards, kabilang na ang silver award mula sa Los Angeles International TV and Film Festival. Gayunman, noong 2010, pinalitan ng singer at host ding si Roxanne Barcelo si Arcangel dahil sa mas dumami niyang commitment bilang reporter at anchor ng GMA News.

Nasa isang bakuran man, madalang na magkasama sina Tonipet at Arcangel dahil sa schedule ng kanilang shows. Host si Tonipet ng morning show na ‘Unang Hirit’ at review show sa GMA News TV na ‘PopTalk’ habang sa late night newscast namang ‘Saksi’ at primetime news show na ’24 Oras Weekend’ ang project ngayon ni Arcangel.

Nag-react naman at kinanta talaga ng kanilang mga fans ang theme song ng Art Angel nang makita ang nagsilbing reunion picture nina Arcangel at Tonipet. Sabi ng isang netizen, ang larawan daw ng dalawa ay tiyak na magpapakanta sa mga batang 90s.

Larawan mula sa Twitter account ni Tonipet Gaba

“One of the images that we can hear!” sabi ng isang Twitter user.

“Bahaghari na kay ganda, ay sumusunod sa kanya…” comment naman ng isa bilang pahiwatig na kinanta niya nga ang iconic theme song ng show.

Napag-alamang ang pagkikitang ito nina Tonipet at Arcangel ay isang get together ng iba pang bahagi ng GMA News and Public Affairs.

Lubusin na ang throwback:

Source :

Twitter, Facebook