“Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera”: Heaven Peralejo sa isyu na pinerahan niya si Jimuel Pacquiao




Mga imahe mula sa Instagram account ni Heaven Peralejo
  • Sinagot ni Heaven Peralejo ang mga isyung idinidikit sa kaniya
  • Kabilang na rito ang intrigang pinerahan lamang umano niya si Jimuel Pacquiao
  • Mapapanood ito sa kaniyang latest YouTube video

Pera ang isa sa mga iniintriga noon pa mang magsimulang magkamabutihan sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao. At sa pamamagitan ng isang YouTube video, nilinaw at sinagot ng dating Pinoy Big Brother housemate ang mga nang-iintriga sa kaniya.

Ang tinatayang pitong buwang relasyon nina Heaven at Jimuel ay nagtapos nang mapansin ng kanilang mga fans na in-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Imahe mula sa Instagram account ni Heaven Peralejo

Sa latest YouTube video ni Heaven, kasama ang kaniyang mommy at best friend, ay sinagot nito ang ilan sa mga intriguing assumptions ng mga tao sa kaniya; kabilang na rito ang isyu na pinerahan lamang niya umano ang panganay na anak ng ‘pambansang kamao’ na si Manny Pacquiao.

“How much money have you gotten from Pacquiao so far?” Ito ang mapanghamong tanong sa kaniya ng isang netizen.

Tinawanan lamang ito ng dalaga at nag-joke na tila nagbibilang. Nag-joke rin ang kaniyang mommy kung kailangan pa bang gumamit ng calculator.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung rumor and everything. I mean, I don’t get money from him. I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera,” sabi ng aktres.

Sina Heaven at Jimuel ay unang nagkakilala sa isang mall dalawang taon na ang nakalilipas. Muli naman umanong nagkita ang dalawa makalipas ang isang taon sa parehong lugar kaya may mga nagsasabi noon na sila ay ‘made by heaven.’

Gayunman, marami ang mga ispekulasyon na hiwalay na nga ang magkasintahan; lalo na nang madulas si Heaven sa kaniyang YouTube video nang mapunta sa pagiging gold digger ang topic.

“Di ko alam kung saan niya [netizen] nakuha ‘yung assumption na ‘yun [pagiging gold digger]. Maybe because sa ex ko — ay,” tinigil niya ang pagsasalita bago pa makapagbanggit ng pangalan.

Imahe mula sa Instagram account ni Jimuel Pacquiao

Samantala, may tumawag din kay Heaven bilang ‘Edward Barber’s side chick’ na tinawanan lang ng dalaga. Sinabi nitong bagama’t okay silang dalawa ay hindi sila nag-uusap at wala rin silang personal number ng isa’t isa.

Ilan pa sa mga idinidikit na intriga kay Heaven ay ang pagiging marupok, maarte, at kuripot nito na very sporty naman na sinagot ng dalaga.