Halina’t magpapak ng sinangag na alimasag

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • Masarap papakin ang sinangag o halabos na alimasag
  • Ang alimasag ay isang uri ng hayop na may mga sipit
  • Hinahanap-hanap sa pagkaing ito ang aligi

“Madalas, masarap ang bawal…”

Marami sa mga pagkaing Pilipino ay talaga namang napakasarap, lalo na kapag sinamahan ito ng kaning mainit, na pinabango ng tanglad o pandan. Subalit sa madalas na pagkakataon, kung ano pa ang mga pagkaing malinamnam, ito rin ang mga pagkaing “bawal”. Tulad na lamang ng sinangag na alimasag.

Kinatakaman ng mga netizens ang mga ibinahaging larawan ng sinangag o halabos na alimasag sa Facebook page na “Memories of Old Manila”. May caption itong “Minsan, masarap din ang bawal”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“Putok–batok pero patok sa sarap!”

“Oo sobrang sarap talaga ‘yan, lalo na kapag niluto mo sa gata na may gulay!!!

“Once in a blue moon ka lang kakain… Inom agad ng lemon water palagi to clean the toxic from your body… We have to enjoy this kind of cuisine!”

Ang sinangag, o halabos na alimasag, ay tipikal na lutuin sa pamamagitan ng pinainit na mantika, kaunting tubig, at dagdagan pa ng asin upang magkalasa. Ilang minuto lamang, maaari na itong lantakan! Mas masarap kainin ang alimasag kapag nakakamay, at may sawsawang maanghang na binudburan ng ginayat na bawang at sili.

Samantala, ang alimasag ay isang uri ng hayop na may malapad ngunit sapad na katawan. Katamtaman lamang ang laki nito at may maitim na kulay. Nakatikom ang tiyan nito sa ilalim ng kanyang katawan. May sampung mga paa ang isang alimasag, kabilang ang dalawang sipit, na ginagamit nitong panghuli ng pagkain at pananggalang sa kalaban.

Bukod sa malinamnam na laman, gustong–gusto ng nakararami ang taba nito na tinatawag na “aligi”. Mapanganib ang labis na pagkain ng aligi dahil maaari itong magdulot ng pagtaas ng blo0d pressure, lalo na kung may edad na o mataas ang kolesterol sa katawan.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ang maliit na alimasag ay tinatawag na “talangka” habang ang mas malaki–laki rito ay “alimango”.

Source :

Facebook