Guro ng MAPEH, pinasan at itinawid sa baha ang may sugat na estudyante

Imahe mula sa Facebook account ng Aksyonradyo Iloilo
  • Marami ang humanga sa isang guro ng asignaturang MAPEH matapos niyang pasanin sa kanyang likuran ang kanyang estudyante na may sugat sa paa upang makaiwas sa baha
  • Ang naturang guro ay nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa Iloilo
  • Bumaha ng positibong reaksyon mula sa mga netizens ang post kaugnay sa ginawa ng guro

Pinatunayan ng isang guro ng asignaturang  MAPEH o Music, Arts, Physical Education, and Health na ang mga guro ay ikalawang magulang ng mga mag–aaral sa loob ng paaralan matapos niyang pasanin sa kanyang likuran ang isang babaeng mag–aaral upang makaiwas sa baha, dahil na rin sa sugat nito sa isang paa.

Ayon sa ibinahaging Facebook post ng netizen na si Regina Sasana Escueta na iniulat naman ng “Aksyonradyo Iloilo“,  ang naturang guro ay kinilalalang si Mam Jessica Jayloni na nagtuturo sa Iloilo City High School sa Molo, Iloilo.

Makikita sa larawan na ipinasan ng guro ang kanyang mag–aaral upang makaiwas ito sa posibleng mga sakit na maaaring makuha sa baha, tulad ng leptospirosis. Binaha kasi ang pasilyo ng kanilang paaralan dulot ng malakas na pag–ulan. Sinuspinde ng paaralan ang kanilang mga klase dahil sa pangyayari kaya kinailangan na nilang umuwi.

Imahe mula sa Facebook account ng Aksyonradyo Iloilo

Bumaha naman ng papuri mula sa mga netizens ang ipinamalas na malasakit ni Ma’am Jayloni.

“A salute to a teacher who has compassion on her work and towards her students..God bless Ma’am. A real hero in our times…”

“Kindness creates a ripple for others to follow creating a beautiful christian community… kudos to the teacher of ICNHS.. I am proud of you… being a former MAPEH teacher myself…”

“You are not only a teacher but you show love and care to your students like your own daughter. I salute you ma’am!”

“Salute sa teachers na ganito. Iniisip nila yung kapakanan ng kanilang estudyante at hindi lamang ang sarili. Thank you for being our second mother at school.”

Mabuhay ka, Ma’am Jessica Jayloni, gayundin sa iba pang mga gurong iniisip lagi ang kapakanan ng kanilang mga mag–aaral sa paaralan!

Public Domain Image