“Freedom wall” kung saan puwedeng ihayag ninuman ang kanyang saloobin ipatatayo ni Mayor Isko

Imahe mula sa Manila PIO
  • Freedom wall balak ipatayo ni Mayor Isko
  • Layunin ni Mayor Isko na tuldukan ang vandalism sa lungsod
  • Sa freedom wall ay maaaring isulat ng sinuman ang kanyang saloobin

Ipinahayag ni Mayor Isko Moreno na plano niyang magpatayo ng isang “freedom wall” kung saan maaaring ihayag ng sinuman ang kanyang saloobin o paniniwala sa artistikong pamamaraan. Layunin nito na tuldukan ang bandalismo na ginagawa sa maraming bahagi ng Lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa Manila PIO

“Freedom wall, hate wall, whatever you call it… It’s going to be a wall where they can express themselves in an artistic manner, or express their beliefs for that matter,” sabi ni Mayor Isko.

Ang pahayag ng alkalde ay ginawa niya habang nagsasagawa siya ng pag-iinspeksiyon sa pag-aaspalto sa paligid ng Andres Bonifacio Shrine malapit sa Manila City Hall. Napansin ni Mayor Isko ang pader ng isang istruktura doon na may vandalism.

Aniya, hindi niya maintindihan kung anong klaseng kasiyahan ang nadarama ng mga taong naninira ng maayos na pader at sa mga rebulto ng mga kilalang tao sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga graffiti.

“I don’t see any joy or happiness that you will receive just messing around or messing up the walls, especially our statues,” anang alkalde.

Wala pa namang balak na magsagawa ng operasyon laban sa mga taong naninira ng mga public properties. Dadaanin na lang daw muna niya sa pakiusap.

Imahe mula sa Manila PIO

“Sayang naman ‘yung oras kung puro arest0 kami. Baka mas maganda kung makisuyo na lang kami,” sabi niya.

Magkagayunpaman, nagbabala siya sa mga taong magpapatuloy sa paninira ng mga pampublikong ari-arian sa kabila ng kanyang pakiusap.

“We are firm, don’t get us wrong. We are firm but we are just trying to be diplomatic at the start. I’m not after the penalty. I don’t want to make Manila richer because we keep on penalizing people,” aniya.