Daniel Padilla, inayang maging army reservist ni Matteo Guidicelli




Imahe mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli at Daniel Padilla
  • Inaya ng aktor na si Matteo Guidicelli si Daniel Padilla na maging army reservist
  • Hinihikayat din ni Matteo ang lahat upang subukang maging military reservist sa Philippine Army
  • Wala pa namang tugon si Daniel hinggil dito

Tahasang sinabi ng aktor, atleta, at ngayo’y Army reservist P2Lt na si Matteo Guidicelli na tinangka niyang ayain ang kaibigang aktor na si “King of Hearts” Daniel Padilla para makasama niya at maging bahagi ng army reserve force, sa episode ng morning talk show na “Magandang Buhay” sa ABS–CBN noong Biyernes, Hulyo 5, 2019.

Imahe mula sa Instagram account ng Magandang Buhay

Sa harap mismo ni “Queen Mother” Karla Estrada na ina ni Daniel, muling inanyayahan ni Matteo si Daniel; bagay na pakunwaring tinutulan ni Momshie Karla.

“So bakit tinawagan mo si Daniel? Gusto mong isama ang anak ko diyan?” tanong ni Momshie Karla kay Matteo nang matapos ang pagbabahagi nito ng kanyang karanasan sa training bilang scout ranger.

“Oo nga, tinawagan ko si Daniel Padilla, Tita. Tinext ko siya, ‘Dan, DJ, I’m inviting you to join the Army Reserve Force,'” sagot ni Matteo.

Dagdag pa niya: “Not just you, but lahat ng mga kapwa-artista kong babae o lalaki man. I’m inviting you to join the Army Reserve. It’s not for us, but it’s for our country, kumbaga.”

Imahe mula sa Instagram account ni Daniel Padilla

Hindi pa raw siya nakatatanggap ng sagot mula kay Daniel dahil sa pagiging abala nito. Hinamon pa ni Matteo si Daniel na gawin ang tus0k-ul0 ang traditional ranger’s vow.

“Actually ang tusok-ulo, it’s known to be a ranger’s vow. Kapag malas kami, kapag may kasalanan kami — halimbawa late sa formation — our ranger instructor will say, ‘tusok-ul0 kayong lahat,'” paliwanag ng boyfriend ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Dagdag pa niya: “At saka ang training na ginawa ng mga ranger ay hindi ganun kadali, kaya deserve talaga nila na pakitaan natin ng appreciation.”

Biniro naman ni Momshie Karla ang anak na lagot si DJ at hinahamon siya ni Matteo.

Matatandaang pumasok at lumahok si Matteo Guidicelli sa Philippine Army noong Abril 15, 2019 na inihayag niya sa kanyang Instagram account.

“I officially joined the Philippine ARMY today because I love my country. I would like to thank the people that have been very supportive. Exciting times ahead,” ayon sa caption.

Noong Hunyo 27, 2019 ay natapos ni Matteo ang kanyang training with flying colors.

Imahe mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli