“Chuva Choo Choo Challenge”, muling binuhay ni Jolina Magdangal

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal
  • Muling ibinalik ni Jolina Magdangal ang “Chuva Choo Choo Challenge”
  • Hinamon niya sina Nikki Valdez at Marvin Agustin na gawin ito
  • Marami sa mga laking 90’s ang natuwa rito

“Chuva Choo Choo (2x) O babe na-inlab ako with you, Chuva Choo Choo (2x) Tumataba ang puso ko,  Chuva Choo Choo (2x), Sana ako ang syota mo, Chuva Choo Choo (2x) O labs kita forever I will love you…”

Kung ikaw ay “batang 90’s”, malamang ay isa ka rin sa mga nakikanta at nakisayaw sa pinasikat na awitin at dance craze ng aktres na si Jolina Magdangal, ang “Chuva Choo Choo”. Isa si Jolina sa mga multimedia influencer ng Philippine Pop Culture noong 90’s.

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Kamakailan lamang ay muling binuhay ni Jolina ang naturang awitin at sayaw, upang maipakilala ito sa mga makabagong netizens sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan tinawag niya itong “#ChuvaChooChooChallenge”.

Ang Chuva Choo Choo ay inawit ni Jolina Magdangal kasama si Nikki Valdez. Isa ito sa mga opisyal na soundtrack para sa romantic comedy film na “Hey Babe!”noong 1999 katambal si Marvin Agustin. Kaya naman, ang dalawang ito ang una niyang hinamon na gawin ang challenge.

“20th anniv na ng #ChuvaChooChoo this year! Kaya niyo ba ako sabayan? I nominate Marvin Agustin and Nikki Valdez to do the #ChuvaChooChooChallenge. Go na! Mag #ChuvaChooChooChallenge din kayo at tag n’yo din mga friends n’yo. Malay natin, may exciting akong surprise for you!”

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Agad na kumasa si Nikki Valdez sa challenge at nag–nominate ng mga sikat na personalidad, batay sa kanyang Instagram post.

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens, lalo na ang mga laking 90’s.

“I’m a fan! Nakakatuwang sayawin ulit ‘yan ngayon!”

“Go Jolens! I love the Chuva Choo Choo Challenge! Good vibes lang. Mabuhay ang mga batang 90’s!”

“Sana magkareunion movie kayong tatlo nina Nikki Valdez and Marvin Agustin!”

Imahe mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Bukod sa mga awitin at sayaw, nakilala rin si Jolina sa mga pagpapauso ng naiibang fashion style, partikular ang butterfly hair clips. 

Sa kasalukuyan, isa si Jolina Magdangal sa mga momshie hosts ng morning talk show na “Magandang Buhay” sa ABS–CBN.