Batang kinukuhanan ng picture para sa school requirement, ayaw paawat sa kakulitan

Imahe mula sa video ni Geomar Triño via Facebook
  • Ang school requirements ay may mahalagang parte sa pag-aaral gaya ng pagkakakilanlan ng isang bata
  • Madalas ang mga requirements na kailangan sa mga mag-aaral na nasa murang edad ay ginagawa sa tulong ng mga magulang
  • Hindi maiiwasan ang mga pagkakataong lumalabas ang kakulitan ng mga bata

Panahon na naman ng pasukan sa paaralan. Ang ilang mga bata ay nagsimula nang pumasok sa klase nitong nakaraang buwan ng Hunyo, samantalang ang iba naman ay magsisimula pa lamang sa buwan ng Agosto.

Imahe mula sa Facebook account ni Geomar Triño

Normal na sa ganitong mga panahon ang pagkakaroon ng mga kaliwa’t kanang requirements. Para sa ilang mga magulang, isang hamon ito lalo na kung ang kanilang anak ay ubod sa kakulitan.

Gaya na lamang ng isang video na ibinahagi ni Geomar Triño sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanyang caption, kailangan ng picture ng kanyang anak na si Jiyo para sa school requirement.

Sa simula pa lamang ng video ay makikita na ang kanyang kakulitan at tila ayaw sumunod sa utos ng kanyang ama.

Subalit sa halip na mainis ay matatawa ka na lang kay Jiyo dahil cute na cute ito habang nang-aasar sa kanyang ama na kumukuha ng kanyang litrato.

Kung hindi tuwid ang kanyang mga paa ay naka-wacky pose naman ito o ‘di kaya ay nakanganga.

Imahe mula sa video ni Geomar Triño via Facebook

Hindi naman nagpatinag si Geomar at nagtiyagang kuhanan ng litrato ang anak nang paulit-ulit.

Sa huli, ngiting tagumpay — hindi lamang si Jiyo kundi maging si Geomar dahil natapos din sa wakas ang tila walang hanggang kakulitan ng anak at nakakuha rin siya ng litrato para sa school requirement nito.

Imahe mula sa video ni Geomar Triño via Facebook

Umabot na sa mahigit 2 million views ang naturang video na may 44000 reactions, 10000 comment, at 37404 shares.

Congrats, Jiyo! May school requirement ka na, nakapagbigay saya ka pa sa maraming netizens.