Baclaran malinis na ulit matapos ang utos ni Pang. Duterte na alisin ang obstruksyon sa mga kalsada




Imahe mula sa Facebook account ni Gadget Addict
  • Baclaran malinis na ulit
  • MMDA kasama ang lokal na pamahalaan ng Pasay at Parañaque nagsagawa ng clearing operations sa Baclaran
  • Sa reclaimed areas sa Roxas Boulevard pansamantalang inilipat ang mga napaalis na vendors

Maaliwalas at maayos na naman ang paligid ng Baclaran dahil sa sunud-sunod  na clearing operations na ginawa ng lokal na pamahalaan  ng Paranaque at Pasay at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Imahe mula sa Facebook account ni Gadget Addict

Ang lahat ng local government units ay inatasan ng Department of interior and Local Government (DILG), batay sa direktiba ng Pangulo noong ika-apat na state of the nation address, na alisin ang lahat ng mga obstruksyon sa kalsada at iba pang public spaces upang mapabilis ang daloy ng trapiko at magkaroon ng kaayusan.

Animnapung araw (60 days) ang ibinigay na palugit ng DILG sa mga LGUs para kumpletuhin ang clearing operations.

Sinimulan ang paglilinis sa mga kalsada isang araw matapos ang SONA ng Pangulo, ngunit muling bumabalik sa kalsada ang mga pasaway na vendors kaya noong Martes, ika-30 ng Hulyo ay muling sinuyod ng MMDA, kasama ang mga alkalde ng Pasay at Parañaque upang alisin ang mga illegal vendors, illegally parked vehicles at mga istrukturang nakahambalang sa bangketa.

Imahe mula sa Facebook account ni Gadget Addict

Batay sa mga larawan na nakalap ni “Gadget Addict” na ipinost niya sa kanyang Facebook account, makikita na malinis na ang mga kalsada sa paligid ng Baclaran na dati ay punung-puno ng mga vendors at mga sasakyan na illegal na nakaparada.

Sabi niya, ang malinis at maayos na Baclaran ay “good news” para sa mga commuters at mga motorista. Pero nalulungkot daw siya na kailangan pang magalit ang Presidenten bago gumawa ng pagsasaayos sa mga lugar na ito.

Imahe mula sa Facebook account ni Gadget Addict

Nasa 5,000 illegal vendors ang naapektuhan ng clearing operations sa Baclaran. Pansamantala silang inilipat sa reclaimed areas sa Roxas Boulevard habang ginagawa pa ang lugar kung saan sila permanenteng makapagtitinda.

Source :

Facebook, ABS-CBN