Aktor na si Rafael Rosell, nagbabalik–Kapamilya




Imahe mula sa Instagram account ni Rafael Rosell
  • Balik-Kapamilya ang aktor na si Rafael Rosell matapos ang pitong taon sa Kapuso Network
  • Sasabak kaagad siya sa aktingan sa isa sa mga 5th anniversary episode ng “Ipaglaban Mo”
  • Makakasama niya rito ang aktor na si JM De Guzman

Muling nagbabalik-Kapamilya ang aktor na si Rafael Rosell matapos ang pitong taon sa kalabang estasyon ng ABS–CBN, ang GMA “Kapuso” Network.

Imahe mula sa Instagram account ni Rafael Rosell

Inihayag ng RSB Drama Unit na muling makikita si Rafael sa isang episode ng “Ipaglaban Mo” kasama ang aktor na si JM de Guzman sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ilalahad sa nasabing episode ang kaso ng pamemeke ng mga dokumento.

Nagsimula ang acting career ni Rosell sa Kapamilya network matapos maging bahagi ng mga programang “Tabing Ilog,” “Marina,” at “Prinsesa ng Banyera.” Nakatambal niya ang mga sikat at magagaling na aktres na sina Claudine Barreto, Denise Laurel, at Jodi Sta. Maria.

Bumida rin siya sa ilang serye sa ABS-CBN kabilang na ang “Midnight Phantom” at “Kristine.”

Imahe mula sa Instagram account ng RSB Drama Unit

Noong 2012, ginawa ni Rafael ang huli niyang Kapamilya teleserye na “Dahil sa Pag-Ibig,” bago siya sumakabilang-bakod sa GMA Network. Napabilang siya sa maraming mga teleserye nito. Nakapareha pa niya si GMA Primetime Queen Marian Rivera sa “Temptation of Wife”.

Napabilang naman siya sa mga pelikulang “Kung Ikaw ay Isang Panaginip”, “Pinay Pie”, “Bikini Open”, When Love Begins”, “In My Life”, “Ang Darling Kong Aswang”, at marami pang iba.

Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizens ang pagbabalik-Kapamilya ni Rosell.

“It’s good to see you again sa Kapamilya Network! Welcome back, Kapamilya!”

“Why did you leave GMA Network? Anyways, I think mas maggo-grow ang talent mo sa ABS, so enjoy and feel at home again!”

Samantala, pinag-usapan din ng mga netizens ang pagpapa-tattoo niya kay Apo Whang-Od noong Abril 3, 2019 batay sa kanyang Instagram post. Si Apo Whang-Od ang pinakamatandang mambabatok sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Kalinga. Bukod sa pambabatok o paglalagay ng tradisyonal na tattoo, marami rin ang na-curious kung “nadakmaan” ba siya ni Apo.

“Pati ikaw di nakaligtas sa mahiwagang kamay ni Apo!”

“Hahaha. Swerte naman ni Lola. Nakahawak kay kuya crush…”

Imahe mula sa Instagram account ni Rafael Rosell

Mapapanood si Rafael Rosell sa 5th anniversary episode ng “Ipaglaban Mo” na umeere tuwing Sabado ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime”.