31-anyos na lalaki sa Cebu, mahigit isang dekada nang hindi naliligo




Image capture mula sa video ng ABS-CBN News
  • Isang lalaki sa Cebu ang napag-alamang 13-taon nang hindi naliligo
  • Maaari umanong nagkaroon ang lalaki ng kakaibang takot sa tubig o kung tawagin ay ablutoph0bia
  • Ayon sa mga psychologists, maaaring naging bunga ito ng pag-iisa ng lalaki sa buhay at pagkawala ng kaniyang mga minamahal

Nakasanayan na ng maraming Pilipino na maglinis ng katawan o maligo araw-araw. Ito ay upang mapanatili ang kaaya-ayang amoy ng katawan at labanan ang init na dulot ng matinding sikat ng araw.

Image capture mula sa video ng ABS-CBN News

Sa bayan naman ng Sta. Fe sa Cebu, isang lalaki ang nabalita dahil mahigit isang dekada na itong hindi nakararanas ng ligo.

Ipinalabas ang kuwento niya sa programa ng ABS-CBN na Rated K noong Linggo, July 14. Kinilala itong si Juni na may edad 31 taong gulang at nakatira sa Brgy. Hilantagaan sa Sta. Fe, Cebu.

Ayon sa ulat, masipag noon sa gawaing-bahay at tumutulong sa hanapbuhay sa pamamagitan ng pangingisda si Juni. Wala itong mga magulang at tanging ang kaniyang lolo at lola na lamang ang nag-alaga sa kaniya.

Hindi man inaasahan ay dumating ang panahon na iniwan na rin siya ng mga taong itinuring niyang ikalawang magulang. Tanging ang Tiya Nely na lamang ni Juni ang kumupkop sa binata.

Kuwento ng tiyahin ni Juni, dumalang na ang pagligo ni Juni pagkatapos nitong pumalaot hanggang sa tuluyan nang hindi ito naliligo. Hindi rin naglaon at umabot na sa 13-taon na hindi naliligo si Juni. Sa ngayon ay hindi na rin bumabangon ang binata sa papag na kaniyang hinihigaan.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Ayon naman sa mga psychologists, isang kakaibang takot sa tubig o tinatawag na ablut0ph0bia ang maaaring nararanasan ni Juni. Maaari din umanong dulot ito ng kaniyang nararamdaman na kalungkutan at pag-iisa.

Dahil sa naranasan nitong pag-iwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang at mahal sa buhay, maaaring nagbunga ito ng matinding depresy0n at naging rason ni Juni para hindi na muling maligo.

Source :

Youtube, ABS-CBN