When puberty hits Trudis Liit: Jillian Ward, dalagang-dalaga na sa kanyang unang sagala

Imahe mula sa Instagram account ni Jillian Ward

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang mga larawan ng American-Filipino actress na si Jillian Ward sa kaniyang Instagram account na nagpapakita ng kanyang puberty transformations at isa na rito ang pagganap bilang Reyna Elena sa pagsabak sa una niyang sagala.

Imahe mula sa Instagram account ni Jillian Ward

Malaki ang naging pagbabago ni Jillian mula nang ipakilala siya sa publiko sa Sine Novela presents Trudis Liit noong 2010.

Mula sa pagiging ‘Trudis’, isa na siya sa mga promising teen stars ng GMA Network at ngayon ay tuluyan nang nag-bloom ang aktres mula sa una niyang proyekto hanggang sa kasalukuyang mga palabas.

Ganap nang dalaga ang dating child star at model at patuloy na binibighani ang kanyang mga fans at social media users dahil sa kaniyang angking ganda na puwede umanong isabak pagdating ng araw sa mga beauty pageants.

Makikita sa Instagram posts ang malaking pagbabago sa Kapuso Tween Star na ito suot ang kulay lilang gown at silver na korona sa kanyang unang sagala.

Matatandaang nagsimula siyang lumabas sa telebisyon bilang contestant sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga noong 2009.

Imahe mula sa Instagram account ni Jillian Ward

“My first sagala. #ReynaElena,” ani Jillian sa kanyang Instagram account.

Ayon sa mga netizens, isa si Jillian sa mga pinakamagagandang Pilipina sa bansa.

“Sis you’ve grown so much! I remember looking up to you as a kid and was (and still am) happy of your success! You are one of my role models, and I am more than proud to say that. Sending more love to you!”

“Wow our Miss Universe! The way you smile the way I falling! charen ingat ka palagi Miss Universe! See you soon! BTW ano nga pala ipapangalàn mo sa signature walk mo? Hehehehehe I love so much miss Universe mwuaaaa”

“Ang ganda talaga Queen, tapos purple pa gown! Sana makapunta kami!!! Mygash!!! Kung alam mo lang, nagulat kami nun. I love you!! #jillianaticsfamily”

Marami ring netizens ang nagsasabi na hihintayin nila ang pagdating ng araw na si Jillian naman ang magrerepresenta sa Pilipinas at magsusuot ng korona ng Ms. Universe.

Unang nadiskubre si Jillian Ward sa komersiyal noon ng Promil.