“What goes up, must come down”: Teaser ng “Kadenang Ginto” Season 3 pinag–usapan




Image capture mula sa YouTube channel

Pinag–usapan sa social media ang teaser ng season 3 ng inaabangang teleserye sa Kapamilya Gold na “Kadenang Ginto” na pinangungunahan nina Beauty Gonzales bilang Romina Mondragon at Dimples Romana bilang Daniela Mondragon.

Matapos maipakita ang teaser sa ABS–CBN at mga social media platforms, lalong nanabik ang mga tagasubaybay ng naturang teleserye, lalo na sa “version 3.0” na classy bakbakan at salpukan ng magmadrastang sina Romina at Daniela.

Image capture mula sa YouTube channel

Sa season 2, matatandaang hiniling ni Daniela na ibigay ni Romina sa kanya ang lahat ng mga pera at ari–ariang ipinamana ng kanyang amang si Robert (Albert Martinez) para sa kanya at kay Cassie (Francine Diaz) kapalit ang pagdo–donate niya ng dugo para kay Cassie.

Batay sa teaser, mukhang bumalik sa simpleng pamumuhay si Romina, subalit ginamit niya ang talento sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng paggawa ng home-made na sardinas.

Image capture mula sa YouTube channel

Samantala, mahihinuha namang nalugi ang naiwang negosyo ni Robert simula nang mapunta kay Daniela ang pamamahala sa kompanya.

Hanggang sa muling magkrus ang landas nina Romina at Daniela sa isang kalsada. Sakay ng taxi si Daniela, at bumaba siya upang komprontahin ang sakay ng kotseng humarang sa kanyang daraanan, na walang iba kundi si Romina.

Image capture mula sa YouTube channel

At ang mas nakagugulat, ang bagong dagdag na karakter, na walang iba kundi ang bagong business partner at mukhang bagong “lover” ni Romina na si Leon na gagampanan ni Richard Yap, na muling nagbabalik sa paggawa ng teleserye matapos ang halalan.

Sa dulo ng teaser, makikitang naglalaro ng chess sina Romina at Daniela. Sinabi ni Romina ang mga katagang “check mate!” na nangangahulugang may nanalo na.

Image capture mula sa YouTube channel

Kanya–kanya namang komento ang mga netizens sa naturang teaser.

“Let’s just see where this new set of plot twists will bring us hehehehe. So exciting. Good job ABS!”

“It’s a battle between the Lion (Leon) and the Dragon (Robert Mondragon, if he is still alive). So exciting!!!”

“Romina is on fire. I like Daniela as well. They are both classy. This is the only teleserye that I have watched since Day 1.”

“Galing ng story writer nito, kaya ang galing ng mga nakapaligid sa teleserye na ito. KG the best ka! Sana bumalik ulit si Robert Mondragon at nang magkaalaman na hahaha.”

Samantala, panoorin ang official teaser ng Kadenang Ginto season 3 via YouTube channel: