Tulong at oportunidad nakamit ng pintor na nagbebenta ng mga paintings sa gilid ng kalsada para sa asawang may sakit




Imahe mula sa Facebook account ni Sal Molinos
  • Matandang pintor sa gilid ng kalsada sa Iloilo City, nag-viral
  • Maraming nakapansin sa kanyang talento at sa kanyang dahilan ng panbebenta ng paintings
  • May mga tumulong upang makapuwesto na si Lolo Larry sa isang mall sa lungsod ng Iloilo

Isang street sa Jaro, Iloilo City ang nagmistulang art gallery dahil sa mga nakadisplay na painting ni Larry Casinao, isang Ilonggong pintor. Sa mga nabebentang painting kinukuha ni Casinao ang panggastos sa di̶a̶lysng asawa na may sa̶kt sa kidney.

Salamat sa Facebook post ng college student na si Sal Molinos, kumalat sa social media ang mga larawan ng pintor at kaniyang mga painting. Maraming netizens at ahensiya ng pamahalaan ang nakaalam sa kaniyang situwasyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Sal Molinos

Ayon kay Molinos, pauwi sila ng kasama nang makita si Casinao na nagpipinta sa gilid ng kalsada. Nakadisplay rin ang iba pa nitong mga gawa sa sidewalk.

Aniya, nakalulungkot na ang isang local artist tulad ni Casinao ay walang maayos na lugar upang maipakita ang talento sa pagpipinta. Sa halip, nakapuwesto ito sa Jaro Plaza (malapit sa Chinabank).

Nanawagan siya sa mga makababasa na suportahan ang pintor dahil napag-alaman ni Molinos na sumasailalim sa di̶a̶lyss ang asawa nito dalawang beses sa isang linggo.

Imahe mula sa Facebook account ni Larry Casinao

Kaagad nag-trending ang kaniyang Facebook post. As of 30 June 2019, mayroon na itong 3,000 reactions, 219 comments, at 2,300 shares. Maski ang mismong pintor na si Casinao ay nakita ang nasabing post. Makikita sa Facebook account nito ang iba pa niyang mga paintings.

Nagpost ng update si Molinos sa Facebook matapos ang kaniyang panayam sa ABS-CBN Region 6.

Ayon sa kaniya, nag-alok na ng tulong ang PhilHealth para sa asawa ng pintor. Bukod dito, mayroon din daw siyang nakitang tweet sa Twitter na iniimbitahan si Casinao upang maging art workshop instructor.

Imahe mula sa Facebook account ni Larry Casinao

Ngayon, makikita na ang kaniyang mga painting sa Festive Mall Iloilo. Hindi na niya kailangang makipagsapalaran sa gilid ng kalsada upang makapagbenta ng mga paintings.

Maski ang Kapuso actress na si Heart Evangelista ay humanga sa talento ng Ilonggong pintor. Nire-tweet niya ang Twitter post ni Molinos na may caption na, “He’s amazingly talented! How to find him?”

Sana ay marami pa ang makatulong sa kanilang mag-asawa. Mabuhay ang mga local artist tulad ni Casinao!

Source :

Facebook