Trillanes tinanggihan ang ‘alok’ na teaching position, libreng hospitalization ni Sen. Nancy Binay

Imahe mula sa Sen. Antonio Trillanes IV /Nancy Binay Facebook account

Tinanggihan ni outgoing Sen. Antonio Trillanes IV ang ‘alok’ na libreng hospitalization at teaching position ni Sen. Nancy Binay sa kanilang lungsod sa Makati.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, kinumpirma ni Trillanes ang ‘alok’ na ito ni Binay ngunit ito’y kanyang tinanggihan.

“I appreciated the sincere offer but I respectfully declined out of delicadeza. It was truly nice of her,” ayon kay Trillanes.

Image capture from ABS-CBN News video via YT

Sa isang social media post ni Sen. Panfilo Lacson, kinumpirma rin niya ang alok ni Binay kay Trillanes.

“Senate camaraderie at its best in the 17th Congress: Sen. Nancy Binay offered graduating Sen. Trillanes a teaching job at the University of Makati with 24-hr free parking at the Makati parking lot, plus free admission to the Ospital ng Makati and free burial in the Makati cemetery,” ani Lacson.

Ngunit nilinaw ni Lacson na ang inialok kay Trillanes ay pagtuturo at hospital care hindi ang libreng parking at burial dahil biro lamang ito.

“Totoo ‘yun pero katuwaan lang sa [It’s true but just for fun at the [Senate] lounge. Sen. Binay informed us that she had offered graduating Sen. Trillanes a teaching job at the Makati University and free hospitalization at the Ospital ng Makati,” ani Lacson.

“Dagdag ko na lang ‘yung free parking and free burial kasi si Sen Trillanes, (and Sen. Cayetano) pursued to the hilt the Senate Investigation on the UMak and parking lot issues, if you recall,” dagdag pa nito.

Matatandaang nanguna sina Trillanes at dating Sen. Alan Peter Cayetano sa hearing sa Senado dahil sa diumano’y korapsyon ni dating Vice President Jejomar Binay at ng anak nitong si Junjun noong sila’y nanunungkulan bilang Mayor.

Nauna nang inihayag ni Trillanes na nais niyang magturo dahil sinabi niyang marami siyang maibabahagi sa mga kabataan.

Image by Nancy Binay via Facebook page

Nakatakdang matapos ang termino ni Trillanes sa Hunyo 30.