Surpresa ng fast food chain manager sa kaarawan ng “espesyal” na kaibigan hinangaan




Imahe mula sa Facebook account ni Noril Christy Dith

Hinangaan ng mga netizens ang manager ng isang sikat na fast food chain matapos niyang surpresahin ang kanyang kaibigang may “special needs” sa kaarawan nito noong Hunyo 11, 2019.

Batay sa Facebook post ni “Noril Christy Dith”, sinurpresa niya ang kanyang kaibigang si Abi na may “special needs”. Hunyo 1 pa lamang umano nang ipaalam ni Abi na kaarawan niya sa Hunyo 11. Kaya naman sa mismong araw ng kaarawan nito, sinurpresa ni Noril si Abi ng kanyang munting handog. Binigyan niya ito ng isang kahon ng birthday cupcakes.

Makikita sa mukha ni Abi ang labis na kaligayahan sa munting handog na surpresa ng kanyang kaibigang manager. Aminado naman si Noril na natunaw at nabagbag ang kanyang puso nang makita ang mga ngiti sa labi ng kanyang kaibigan.

Imahe mula sa Facebook account ni Noril Christy Dith

Ayon sa munting mensahe ni Noril: “To this genuine friend of mine, Happy, happy Birthday ‘Abi’ (really don’t know your name but that’s what the guards used to call you) May your heart feel the love you deserve.”

Dagdag pa niya: “Saludo ko sa iyo, you have such a pure heart despite your condition. I don’t know your whole story but one thing I know, for sure you’re a good person. God bless you, friend and may this simple surprise makesyou feel that you are loved.”

Imahe mula sa Facebook account ni Noril Christy Dith

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens. Bumuhos din ang pagbati nila kay Abi. Hangad nilang mapabuti ang kalagayan nito.

“Happy Birthday Kuya Abi! Have a longggggg long life Kuya! God bless you.”

“Belated happiest birthday to you, Tatay. God already blessed you and will continue to bless you for having such a pure genuine heart. Salute to you Tatay.”

“Kudos sa manager na nagbigay ng surprise para kay Abi. Pagpapalain ka ni Lord. Para naman kay Abi… just continue smiling and spread the good vibes! We need that nowadays.”

“God bless you, sir. Continue to be such a good Samaritan. Happy Birthday po, Tatay. Wish you a long life to live, be healthy, be happy and always be kind to others. Stay smiling.”

Happy Birthday, Abi! Kudos, Manager Noril! Nawa ay dumami pa ang mga katulad mong may mabuti at mapagmalasakit na puso sa kapwa!

Source :

Facebook