Suman-Inspired gown ni Paolo Ballesteros agaw-eksena sa National Costume competition ng Bb. Pilipinas 2019




Imahe mula sa Paolo Ballesteros/Honey Grace Cartisano Instagram Account

Bigong makapasok  sa top ten ng National Costume (NatCos) competition ng Binibining Pilipinas 2019 ang kandidata ng Rizal na si Honey Grace Cartisano.

Ngunit sa kabila nito agaw-eksena at pinuri ang suot niyang suman-inspired costume na gawa ni Paolo Ballesteros.

Lingid sa marami ang hilig ni Paolo sa pagdidisenyo ng gown.  Ano nga kaya ang nagtulak sa “Eat Bulaga!” host na gawin ang suman-inspired costume ni Honey Grace?

Ayon sa ulat ng PEP, sinabi ni Paolo na kilala ang Antipolo, Rizal sa masasarap na suman kaya naisip niya ang konseptong ito para kay Honey Grace bilang national costume.

Taga-Antipolo rin si Paolo kaya tinulungan niya ang Binibining Rizal na si Honey. “Mahilig talaga ako sa mga pageants, hehehe,” ayon sa text message ni Paolo.

“Tumutulong ako pag may candidate na kailangan — like sa styling, make-up, pati sa lakad; and si Honey Grace taga-Antipolo lang din, so ayun,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa Paolo Ballesteros Instagram Account

Labis din ang pasasalamat ni Honey Grace sa ginawa ni Paolo na natatanging national costume.

“And also for being so considerate because you made sure that we’ll share ideas and peg for the NatCos. You made sure that I want the design. I’m happy and it is FOR ME!

“Naalala ko sketch pa lang binigay mo pero sobrang namangha na kami hehe. I’m GRATEFUL to you! Love you mamwa! Penge talent!”

Matatandaang huling dinisenyo ni Paolo ang Filipiniana gown ng isang kandidata sa Mutya ng Pilipinas 2018.

Bagamat bigo si Honey Grace, may pagkakataon  pa rin siyang mapagwagian ang isa sa anim na korona — Miss Universe Philippines; Binibining Pilipinas International;  Binibining Pilipinas Intercontinental; Binibining Pilipinas Supranational;  Binibining Pilipinas Globe;  at Binibining Pilipinas Grand International.

Imahe mula sa Honey Grace Cartisano Instagram Account

Hanggang 12 noon ng Hunyo 8, Sabado, ang online voting sa kung sino ang karapat-dapat sa award para sa Pambansang Kasuotan.

Ang koronasyon ay sa Hunyo 9, Linggo, 7:00 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.