Dilag mayroong nakaaantig na birthday message para sa kanyang tatay na may down syndrome

Larawan mula sa Facebook post ni Richie Anne Castillo

Pinukaw ng isang Facebook post ang damdamin ng mga netizens at ito’y tungkol sa isang anak na nagbibigay ng mensahe sa kanyang amang may espesyal na kondisyon.

Trending ang birthday message ni Richie Anne Castillo para sa kanyang ama na mayroong down syndrome at nagdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan.

Inihayag ni Castillo ang pagmamahal at paghanga niya sa kanyang ama na himala umanong umabot ng 50 taon na hanggang ngayon ay ikinagugulat ng mga doktor ng kanyang ‘special tatay.’

Larawan mula sa Facebook post ni Richie Anne Castillo

“Dear, Dad. Today marks a very special and very miraculous moment of your life. You turn 50 today and I am so blessed that you continue to live such a long and beautiful life. Doctors are still amazed by it,” bungad ni Castillo sa kanyang post.

Bagama’t walang sariling Facebook account ang kanyang daddy, ipinaabot ni Castillo ang kanyang mensahe upang ipaalam sa buong mundo na mayroon siyang isang matapang na ama sa kabila ng kondisyon nito.

Hanga si Castillo sa ama dahil sa loob ng 50 taon, kabi-kabila na ang pinagdaanan nito sa ospital upang mabigyang lunas ang kalagayan niya.

“Dad, you are the strongest and the bravest human being I know. For almost all your life, you have allowed doctors to insert needles in you, surgeries here and there, a lifetime doing dialysis and a long list of limitations. But you seldom complain,” dagdag ni Castillo.

Humingi rin ng tawad si Castillo sa mga panahong wala siya sa tabi ng kanyang ama sa mga panahong nais nitong pumunta sa beach o kumain sa paboritong restaurant.

“I’m sorry for not bringing you to the beach more often or I don’t bring you your favorite dimsum food or I don’t visit you more often than I should.”

Larawan mula sa Facebook post ni Richie Anne Castillo

Gayundin, humingi rin siya ng tawad sa mga panahong ikinahiya niya ang ama upang makaiwas sa mga pandudusta.

“If there is one thing I regret, it is hiding you from my life because I’m still the same little kid who was afraid of getting bullied. But I love you more than you could ever know, Dad, and I am inspired by you always.”

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 235,000 reactions at 73,000 shares ang post na ito ni Castillo.