#SiblingGoals: Kendra, Scarlett bilang cutest Blackpink fans

Mga imahe mula sa video ng Blackpink via YouTube channel | Instagram account ni Doug Kramer

Maraming fans sa Pilipinas ang K-pop girl band na Blackpink na kamakailan lamang ay bumisita sa bansa para sa meet-and-greet nito sa kanilang mga Pinoy fans.

Kabilang sa mga fans ng Blackpink na pumunta sa event ay ang celebrity siblings na sina Kendra at Scarlett ng Team Kramer.

Dumating ang magkapatid sa event na nakasuot ng kanilang “full baby blink” na katulad ng pustura ng Blackpink members na sina Jisoo, Jennie, Lisa, at Rosé sa music video nito na “K!ll This Love.”

“Kendra and Scarlett went full Baby Blink today! They’re ready to see their favorite K-Pop girl band, Blackpink!” pahayag ni Doug Kramer sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

Ipinaskil ni Daddy Doug ang mga larawan nina Kendra at Scarlet sa Instagram account nito. Nagsilbi rin siyang bodyguard ng mga anak kung saan lalo siyang hinangaan ng mga fans dahil sa pagiging supportive dad.

“Daddy Doug in your area! Bodyguard mode activated,” ayon pa sa Instagram post ni Doug.

Samantala, ang kanilang Mommy Chesca naman ang nag-ayos ng costume ng dalawang bata. Bilang ina, todo ang kaniyang suporta para sa kasiyahan nina Kendra at Scarlett.

“Mommy goes full support when they want to dress up like their favorite K-pop girl group! They can’t contain their excitement, they’re ready to see Blackpink!” post naman ni Chesca sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

“From their style, dance moves, fashion and music, Kendra and Scarlett are Blackpink’s biggest fans! Baby Blinks!“ dagdag pa ng celebrity mom.

Bukod sa Team Kramer, ilan pa sa mga Pinoy celebrities na naroon sa event para makita ang kanilang iniidolong Korean stars ay sina Anne Curtis, Andrea Brillantes, Kim Chiu, Glaiza De Castro, Ella Cruz, at Maymay Entrata.

Ang Blackpink meet-and-greet noong Hunyo 6 ay inorganisa ng Shopee Philippines para sa promo nito. Gayun man, umani ito ng mga batikos dahil maraming fans na nag-avail ng promo ang nadismaya nang hindi sila pinapasok sa venue.