Senador Manny Pacquiao aka “Pambansang Kamao”, magdaraos ng kauna–unahang konsyerto




Public Domain Image

Sa kauna–unahang pagkakataon ay sasalang sa isang solo concert ang tinaguriang “Pambansang Kamao” at World Boxing Champion na si Senador Manny Pacquiao na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa darating na Setyembre 1, 2019.

Inihayag ni Senador Pacquaio ang tungkol sa naturang konsyerto sa isang media conference na idinaos sa isang sikat na hotel sa Makati City noong Biyernes ng gabi, Hunyo 14, 2019.

Aminado naman si Pacman na mahal niya ang musika, kahit hindi siya mahal nito.

“This is a wonderful opportunity to share with my fans my passion for music. That’s the problem – I love music but music doesn’t love me. But I keep on going,” saad ng Pambansang Kamao.

Public Domain Image

Ayon kay Pacman, libre ang kanyang first solo concert basta’t susundin lamang ng mga tagahanga at tagasubaybay kung paano sila makakakuha ng libreng ticket.

Hindi na bago kay Pacquiao ang pag–awit dahil marami na rin siyang hit songs, kaya naman ang naturang konsyerto ang magsisilbing daan upang makabalik siya sa industriya ng musika. Halos siyam na taon na raw siyang huminto sa pagkanta.

Aabangan daw ng lahat ang kanyang pag-awit ng 8 hanggang 10 awiting OPM at nasa Ingles. Asahan din ang kanyang duets sa iba pang mga imbitadong lokal na mang–aawit.

Ang naturang konsyerto ay ipo–produce ng Global Crypto Offering Exchange (GCOX) sa pakikipagtulungan ng ALV Events International, na naglalayong ilunsad ang “PAC Token”, isang personalized token na makatutulong sa mga milyong–milyong mga tagahanga ni Pacquiao na mapalapit sa kanya.

“While Senator Manny is busy serving his people, we hope to help him reach out to his fans and engage them regularly. By having this PAC Tokens, they become a privileged group who will have the opportunities to connect with him on a whole new level,” paliwanag ng CEO ng GCOX na si Dr. Jeffrey Lin.

Paliwanag pa ni Pacman:  “Through this robust ecosystem, I will be able to help my fans save money while promoting good value products and driving merchants who support me. Everybody wins in this ecosystem. This is my opportunity to give back to the community that has made me who I am today.”

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Looking forward to that… malay natin, baka may surprise duet sila ni Mommy Dionesia.”

“His concert is with the good cause not for his personal needed. He got everything already.”

“Thank you Senator Manny for opting to look for legal means of earning millions instead of stealing. Still continuing to fight considering the danger.”

“Boxing, basketball, TV host, senator, singer… hhmmm what’s next Manny? Foot ball? Or baka naman ang next ay PRESIDENT?”

Public Domain Image

Isa sa mga hit song ni Pacman ang “Para Sa ‘Yo (Ang Laban Na ‘To)”.