Sana lahat: Mga guro sa Pasig tumanggap ng tig-iisang laptop at TV mula kay Eusebio

Imahe mula sa Elsie Deladia Arcega‎ Facebook account

Shout out sa mga principal at lokal na pamahalaan na wagas ang suporta sa mga gurong kanilang nasasakupan. Maliit man o malaking tulong ay nakapagpapataas ito ng moral sa mga guro para pag-ibayuhin pa ang kanilang pagtuturo.

Tulad na lamang ni outgoing Pasig Mayor Bobby Eusebio na namigay ng tig-iisang laptop, TV at ilan pang mga school supplies sa kanyang mga guro.

Sa Facebook post ni ‎Elsie Deladia Arcega, proud na ibinahagi nito ang mga natanggap mula kay Eusebio:

Ayon sa post: “Ganito kami sa Pasig thru Mayor Bobby Eusebio. distribution of school supplies ( notebooks, black and rubber shoes, bags, raincoats lunch box, books) and most of all Laptops and speakers for teachers and 55’ TV for our classrooms.tig iisa po kami LT at TV. Proud Pasigueno here.”

Dahil batid ni Mayor ang kahingian ng mga guro ay hindi na nagdalawang-isip itong ipamahagi ito sa kanila.

Napa-wow naman ang ga social media users sa natanggap na ito ng mga guro:

“Ang swerte naman..kahit tag iisang TV sana per classroom at least manlang maenjoy ng bata ang long stories na nakalagay sa book kasi sa totoo lang ang haba haba haba haba haba haba at pati mismong teacher mag-rely na lang sa synopsis. Mas ma-enjoy ng bata ang manood with subtitles.”

“Wow! Big Santa Claus si Mayor sana lahat ng Mayor sa buong Pilipinas giver na katulad ng Mayor ng Pasig.”

Ganito rin ang halos naging status ng mga senior high school teachers sa Lumban Senior High School sa dibisyon ng Laguna nang makatanggap ng ilang school supplies mula sa kanilang mga punongguro.

“Good Vibes lang po. Pampagoodvibes lang po sana positive tayo para happy ang life! Thank u po #MulaSaMOOE #MulaSaPuso #SoarHighLumbanSeniorHigh #SDOLaguna.”

Imahe mula sa Kaye Villena Liboon‎ Facebook account

Kamakailan lamang ay naganap rin ang pamamahagi ni outgoing Manila Mayor Joseph Erap Estrada ng mga teacher’s kit sa kanyang mga guro.

Imahe mula sa Ferdinand Ipanag‎ Facebook account

Nag-viral din ang kukuhanin na lamang na mga school supplies ng estudyante sa Mandaluyong.