Punungguro nag-iikot gamit ang kariton para turuang magbasa ang mga bata

Screenshot mula sa ABS CBN video

Tungkulin ng isang punungguro na pangalagaan ang kanyang paaralan. Siya kasi ang nagsisilbing ama at ina sa kanyang nasasakupan. Nakatutok rin sila sa pagpapabuti ng paaralan.

Hindi na saklaw ng punungguro ang magturo pa sa mga bata dahil sila’y nakatuon na lamang sa mga gawaing pang-administratibo.

Ngunit natatangi ang isang punungguro sa Donsol, Sorsogon dahil siya mismo ang nagtuturong magbasa sa mga kabataan.

Sa ulat ng ABS CBN, kinilala ang punungguro na si Ryan Homan ng Gimagaan Elementary School sa Sorsogon.

Naging kapaki-pakinabang  ang proyekto ni sir Ryan na tinawag na ”Kostal Basa.”

Layunin ng proyektong ito na turuan ang mga bata na magbasa. Kaya naman gamit ang kariton na naglalaman ng mga libro nag-iikot ang punungguro at nagtutungo sa mga lugar na maraming bata at doon nagtuturo at nanghihikayat magbasa.

Pangarap din ni sir Ryan na lahat ng bata sa kanilang lugar ay marunong magbasa pagdating nila sa high school.

Imahe mula sa Queenie Arlene Almario Facebook account

Ayon kay Leonora Milante, Reading Coordinator ng paaralan, malaki ang pinagbago ng mga bata pagdating sa pagbabasa makaraang simulan ang programang ito.

Maliban sa “Kostal Basa”, may iba rin silang mga proyekto kaugnay sa pagbabasa.

Enero 2018 nang simulan ng punungguro ang proyekto at sinabi nitong marami pang  kulang na libro na kanilang maaaring gamitin.

Umani ng papuri ang punungguro mula sa mga netizens:

“Thumbs up, God bless, sir Ryan.”

“That should be the goal of every teacher and parents na matutong magbasa ang mga bata bago matapos ang elementarya.”

“Dapat lang na may inisyatebo lahat ng elementary teacher na turuang mabuti ang mga bata.”

Hindi naman maiwasan ng ilan na maglabas ng saloobin kaugnay sa hina ng mga bata sa pagbabasa:

“NO READ NO MOVE na ngayon so how come na grade six na hindi pa marunong magbasa…better wag ipasa kaysa naman graduate ng di natuto…”

“Okay naman pero grabe naman yang di marunong magbasa kahit grade six na..bakit ipapasa kung ‘di naman marunong?”

“This is a program that is in place in schools. Why bring it outside?”

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

Source :

You Tube, ABS CBN