Proud parents: Jimuel “Pacboy” Pacquiao nagtapos ng high school




Imahe mula sa Jinkee Pacquiao Instagram account

Proud parents ngayon sina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee matapaos magtapos ng high school ang anak si Jimuel.

Sa Instagram post ni Jinkee, sinabi nitong: “Proud and blessed Mom and Dad.” Ang model at aspiring boxer, 18, ay nagtapos sa Brent International School.

Walang mapagsidlan ng kasiyahan si Jinkee makaraang ibahagi rin ang Instagram post nitong: “Indescribable feeling”

Imahe mula Jinkee Pacquiao Instagram account

Inulan naman ng pagbati si Jimuel mula sa mga netizens:

“Congratulations dear JIMUEL . A soon to be FILIPINO SUPERSTAR. Pawwwwwwwnn!!! Amen!”

“Congratulations, God bless you even more!” “Congrats Jimuel, Jinkee and Manny . ! 👏 Thanking God with you!”

“Congrats to the Pacquiao family!”

Si Jimuel ay isa sa limang anak ni Pacquiao na naging usap-usapan rin makaraang ianunsyo ang relasyon kay actress Heaven Peralejo.

Imahe mula sa Jimuel Pacquiao Instagram account

Noong Abril ay naging maugong ang pangalan ni Jimuel nang mapigilan si Miguel Egan sa second round ng kanilang semi-amateur bout sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Gumamit si Jimuel ng 1-2 combo para pabagsakin si Egan. Masaya si Jimuel sa naging resulta ng laban lalo na’t sumailalim ito sa intensibong pagsasanay.

“I won, mom and dad,” proud na pahayag ni Jimuel.

Nais ni Jimuel, 18, na sundan ang yapak ng ama. Matatandaang nagwagi rin si Jimuel laban sa kanyang  schoolmate na si Lucas Carson noong Pebrero.

Knocked down din si Carson sa ikalawang round.

Suportado ng eight-division world boxing champ at incumbent Senator ang pagboboksing na ito ni Jimuel.

Tinuruan ni Manny ang anak ng tamang footwork, defense, evading, at combination punches. Si Pacman ay hands-on sa kanyang  training sa anak at maging sa pag-aayos ng hand wrap nito.

Nauna nang inanunsyo ni Jimuel na nais niyang katawanin ang Pilipinas sa mga international competitions.

“I’m trying to make a name for myself,” ani Jimuel. “I want to represent the Philippines.”

“Palagi kong sinasabi na, I’ll train properly, magjo-jogging ako, magpa-practice. Nakailang ulit din bago ko sila mapapayag,” dagdag pa nito.