Patty Betita, humingi ng dispensa sa pagkukumpara kina James Reid at Daniel Padilla

Public Domain Image

Humingi ng dispensa ang dating beauty queen na si Patty Betita sa pamamagitan ng Twitter post noong Lunes, Hunyo 16, 2019, sa ginawa niyang pagkukumpara sa dalawang aktor na sina Daniel Padilla at James Reid matapos ang  ginanap na Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagbigay kasi ng komento si Betita na “Daniel is much nicer and more accommodating than James”, matapos ang gabi ng koronasyon ng naturang pageant, sa kanyang Twitter post noong Hunyo 9, 2019.

Imahe mula sa Twitter account ni Patty Betita

“I didn‘t realize the gravity of what I thought was just my opinion. Obviously made so many JaDine fans seething with anger attacking me,” pahayag ng modelo.

“Respect begets respect. Thank you to the others who personally messaged me and encouraged me to just come out on Twitter where I guess #fortherecord was created alluding to me and humbly apologize. So there. ‘Peace’ everyone and God bless us all,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Twitter account ni Patty Betita/Public Domain Image

Matapos ang naturang paghingi ng dispensa sa pamamagitan ng Twitter post, isinapribado na ni Betita ang kanyang Twitter account. Gayunman, marami pa rin sa mga tagahanga ni James Reid ang patuloy na bumabatikos sa komento ni Betita.

“Having the word sincere does not make it sincere when you still believe that your opinion is right. It looks like you just apologized because of the heat you are getting.”

“Don’t take these people too seriously. The love team culture in the Philippines is so t0xic. They treat their idols like gods and attack those who say the slightest negative thing about them. You spoke the truth based on your own personal experience and it is your right to do so.”

“Ok lang iyan. Sinabi mo lang talaga ang opinyon mo tungkol sa kanila. Baka naman talagang introvert lang si James Reid.”

Parehong naging celebrity judges sina Daniel Padilla at James Reid sa naganap na Binibining Pilipinas 2019.

Source :

Twitter, Push