Pambihirang ‘blue lobster,’ nakasama sa seafood shipment ng isang restaurant

Imahe mula sa video ng ABC Television via YouTube channel

Karaniwang reddish brown o greenish brown ang kulay ng lobster kaya laking gulat umano ng may-ari ng Arnold’s Lobster and Clam Bar sa Eastham, Massachusetts na may pambihirang lobster ang nai-deliver sa kanilang restaurant.

Ayon sa report ng CNN, hindi umano makapaniwala si Nathan Nickerson III nang makita niyang may isang natatanging lobster sa seafood shipment na natanggap ng kanilang restaurant. Ang kulay kasi ng lobster na iyon ay asul!

“I said, ’I think we have something special here.’ I could’nt believe the color,” sinabi ni Nickerson sa panayam ng CNN.

“Everyone was circling around it, just wondering, ‘How did this happen?’” dagdag pa nito.

Sinabi rin niyang plano nilang alagaan ang blue lobster at i-display sa kanilang restaurant sa loob ng isang linggo para makita ng mga customers at bisita. Pagkatapos, ido-donate nila iyon sa isang aquarium.

Imahe mula sa Facebook account ni Nathan Nickerson III

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng blue lobster sa publiko nais ni Nickerson na mas ma-appreciate ng younger generation ang marine life.

“I want the children to see… (and) be interested in marine life and this is one way to get them excited about it. Maybe one can become the next marine biologist,” paliwanag ni Nickerson.

Ayon pa sa report, ang blue lobster ay nais i-donate ni Nickerson sa malapit nang magbukas na aquarium sa St. Louis.

“I’d like to give the blue lobster to the St. Louis aquarium out of respect to the St. Louis Blues, who won the championship, to show that Bruins fans have class,” sabi pa nito.

Imahe mula sa video ng ABC Television via YouTube channelB

Nais rin niyang mabuhay at manatiling ligtas ang blue lobster kaya gustuhin man niyang pakawalan iyon sa likas nitong tirahan ay mas mapanganib iyon. Aniya, ang katubigang nakapalibot malapit sa kanila —ang Cape Cod— ay may sandy bottom. Mahihirapan umano ang lobster na maka-survive roon.

Tunay na pambihira ang blue lobster na iyon dahil ayon umano sa University of Maine’s Lobster Institute ay isa lamang sa dalawang milyong lobster ang kulay asul.

Source :

CNN, ABC 7, YouTube