“Pambansang Bae” na si Alden Richards, magiging guest sa dalawang Kapamilya shows




Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards
  • Magiging guest si Pambansang Bae Alden Richards sa dalawang Kapamilya shows ng ABS-CBN
  • Bahagi ito ng pagpo-promote niya ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” katambal si Teen Queen Kathryn Bernardo
  • Ang dalawang Kapamilya shows na ito ay “Umagang Kay Ganda” at “Magandang Buhay”

Nakatakdang maging guest sa dalawang Kapamilya shows si Pambansang Bae Alden Richards para sa promosyon ng kanyang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” katambal si Teen Queen Kathryn Bernardo sa ilalim ng Star Cinema.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden RichardsAld

Inaabangan na ng mga “Kapamilya” at “Kapuso” ang pagtungo ni Alden sa bakuran ng ABS-CBN at masilayan siya sa morning shows na “Umagang Kay Ganda” at “Magandang Buhay”.

Hindi naman siya magiging panauhin sa mga Kapamilya shows na “Tonight with Boy Abunda”, “ASAP”, at “It’s Showtime” bilang delicadeza na rin umano sa mga kalaban ng kanyang shows sa Kapuso Network. Ang It’s Showtime ay katapat ng “Eat Bulaga” mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali, habang ang ASAP naman ay karibal ng “Sunday Pinasaya” tuwing Linggo ng tanghali.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

May ilang mga netizens na humihiling na sana’y maging guest din siya sa “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda tuwing Linggo ng gabi.

Samantala, hindi naman malinaw kung magiging guest ba si Kathryn Bernardo sa alinmang tv shows sa GMA Kapuso Network.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-“ober da bakod” ang isang sikat na Kapuso star sa Kapamilya Network para sa promosyon ng pelikula. Ilan sa mga nakagawa na nito ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kapag sila ay kasama sa cast ng pelikula ng Star Cinema.

Huwag daw mag-alala ang mga Kapuso fans dahil hindi naman ito nangangahulugang may magaganap na “lipatan” ng network.

Kinakailangan lamang ito dahil nalalapit na ang pagpapalabas ng kanilang pelikula ni Kathryn sa darating na Hulyo 31, 2019.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

Ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay kauna–unahang pagtatambal nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa isang pelikula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Samantala, narito ang official teaser ng naturang pelikula via YouTube channel: