“No outside food” policy ng SM Cinema nais i-boycott ng ilang netizens

Imahe mula sa SM Cinema/John Winkle Wong Facebook Account

Hindi nawawala sa panonood ng sine ang mga baon na masarap na pagkain. Simple man o mamahaling pagkain ay nakakukompleto ito ng kasiyahan sa ating panonood.

Paano kaya kung ang mga pagkaing nais mong ibaon sa sinehan ay bawal nang ipasok?

Usap-usapan ngayon ang bagong patakaran ng SM Cinema na nagbabawal na sa pagpasok ng mga inumin at pagkaing hindi binili sa kanilang  Snack Time. Ibig sabihin lamang nito’y malilimitahan na ang pagkaing nais ipasok sa loob ng sinehan.

Imahe mula sa SM Cinema Facebook Account

Kaya naman hindi maiwasang maglabas ng sama ng loob ng netizens na si John Winkle Wong sa kanyang Facebook account:

Ayon sa post: “A lot of paying customers were stopped from the cinema entrance and was asked to surrender the food they bought IN THE MALL or eat it outside quickly.

“A hungry lady who bought nachos was asked to leave it at the entrance…

“It annoyed me so much when I literally saw a lola who was denied her bottled drink just because she purchased it from SM Hypermart and not in Snack Time…

“Some people requested for a refund of their tickets but all they can give is a movie voucher.

“Why would you deny customers their own choice of comfort food while they enjoy a movie they paid for? Why would you also block other food establishments from making a sale?”

Hinimok ni John Winkle Wong na iboykot ang mga sinehan ng SM.

Sa ulat ng PEP, sang-ayon sina Direk Jose Javier Reyes at actor-director Perry Escaño sa bulalas na ito ng netizen sa bagong patakaran ng SM Cinema.

Kasunod nito nag-post ang SM Cinema sa kanilang FB page hinggil sa kanilang bagong patakaran:

Ayon sa post “Due to complaints we received from some guests, kindly refrain from bringing in food and drink such as:

1. Rice and Pasta Meals; 2. Alcoholic and Non-Alcoholic Beverages in glass, bottles and can; 3. Food items with sauces (such as vinegar, fish sauce, soy sauce); and 4. Food on stick

We encourage our guests to bring Snack Time food and drinks inside cinema. We ask for your kind understanding on the matter. Thank you.”

Imahe mula sa SM Cinema Facebook account