Netizen hinikayat ang mga tao na bumili sa masayahing lolo na nagtitinda sa isang footbridge

Imahe mula sa Facebook account ni Benj Samson

Hinikayat ng isang netizen ang mga tao na bumili sa isang nagtitindang lolo na madalas naglalako sa footbridge na katapat ng SM North EDSA sa Quezon City.

Sa Facebook post ng netizen na si “Benj Samson” noong Hunyo 5, 2019, kinuhanan niya ng dalawang larawan ang “Lolo Tindero” na nagtitinda ng mga tinapay na nakalagay sa isang stainless tray at natatakpan ng transparent plastic bilang proteksyon sa kanyang mga paninda.

Kahit hirap sa buhay, mababakas pa rin sa mukha ng lolo ang kasiyahan dahil sa nakasilay na ngiti sa kanyang mga labi.

Imahe mula sa Facebook account ni Benj Samson

Nanawagan ng tulong ang netizen sa mga tao na bumili sila ng tinapay kay Lolo kung sakaling magkrus ang kanilang mga landas sa footbridge.

“If you see Lolo on the footbridge of SM North EDSA, buy from him please, even if you don’t need to. Hardworking and good people like him deserves much more.”

Umani naman ito ng reaksyon sa mga netizen. May mga nakakakilala na pala sa kanya. May ilang mga nagpatunay na sadyang masipag ang naturang lolo. Dati raw, lumpia ang tinda nito. Hindi alintana kung umaaraw o umuulan.

“God bless you always Tatay! You reminded me of my late grandfather.”

“Wait for me to come home, Lolo. Bibilhin ko lahat ng ‘yan.”

“Lagi bumibili wife ko kay Tatay kapag dumadaan ng footbridge papuntang SM North. Nakatayo siya for hours habang dala niya yung tray ng mga tinapay. Before lumpia tinda niya.”

“Kaso yung mga tao, mas pipiliing bumili ng snacks sa loob ng SM North. Sad but true.”

“Very hardworking lolo siya, lagi namin siyang nakikita and may time na nasa kabilang footbridge siya. Hope you can buy from him kapag nadadaanan, kahit hindi ninyo kakainin, pwede ninyo i–share din sa iba ang nabili ninyo from him.”

Pinuri din ng mga netizen si Benj Samson na nagpost ng mga larawan ng lolo.

“Wow the person who posted this is indeed a compassionate one.”

Samantala, hindi naman nakuha ang pangalan at ilang mahahalagang detalye sa buhay ni Lolo Tindero, na tiyak na may nakaka–inspire na kwento.

Imahe mula sa Facebook account ni Benj Samson

God bless you po, Lolo!