Lars Pacheco, dedma sa beauty pageant madala lamang sa ospital ang may sakit na nobyo

Mga larawan mula sa Instagram at Facebook account ni Lars Pacheco

“Love wins.”

Sabi nga, kapag mahal mo ang isang tao, harangan man ng sibat, handa mong sagupain ang kahit sino o ano pa man, maipakita at mapatunayan lamang ito. Kahit beauty pageant na sasalihan mo.

Ibinahagi ni “Miss Q and A” season 1 2nd runner up Lars Pacheco sa kanyang Facebook post noong Mayo 28, 2019 ang pagtalikod niya sa beauty pageant sa Batangas, madala lamang sa ospital ang kanyang may sakit na nobyo. Ginawa niya ito bilang paliwanag sa mga tagasuportang nagtatanong kung bakit hindi siya dumalo sa “beau–con”.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Lars Pacheco

Batay sa kanyang mahabang post na may pamagat na “YOUR LIFE IS WORTH MORE THAN ANY CROWNS OR TITLES”, bago ang beauty pageant sa Mabini, Batangas ay dumalo si Lars sa isang pagtitipon sa Quezon City. Dahil male–late, nag–make up na at nagbihis na kaagad siya ng costume sa loob pa lamang ng sasakyan.

Tumatawag na ang organizer at sinabing hindi na sila mahihintay pa, subalit nakiusap si Lars na kung maaaring maantala lamang ng ilang minuto ang pagsisimula ng programa, tutal ay malapit na rin sila. Maya–maya, dumaing ang kanyang nobyo na namamanhid ang katawan nito. Inakala ni Lars na nagbibiro lamang ito.

“So ang bilis ng patakbo namin, makakaabot sana kami dahil 5 minutes na lang malapit na sa venue, ’til Clyde said ‘Namamanhid yung katawan ko’. Ako naman, “Huwag ka na mag–joke late na tayo.  Sabi naman niya, hindi siya nag jo–joke hanggang sa nahawakan ko na yung kamay niya ang lamig–lamig na and naninigas na rin.”

Dagdag pa niya: “Nahilo siguro sa byahe. Hindi ko alam gagawin ko, ang alam ko lang kailangan ko siyang madala agad sa hospital. Kaya sa mga organizers po ng contest sa Mabini, Batangas sorry to keep you waiting, but MY BOYFRIEND’S LIFE IS (MORE) WORTHY MORE THAN ANY CROWN OR TITLE.”

Mga larawan mula sa Facebook account ni Lars Pacheco

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Sissy Queen you are truly one of a kind… Ikaw rin po, keep safe and take a rest din. Kay bf mo get well soon… Laban lang!”

“Right decision… no crown is exchangeable to anyone’s life especially to our love ones.”

Si Clyde ay bagong nobyo ni Lars.

Pinatunayan ni Lars na walang ibang maaaring ipalit, korona man iyan o titulo, sa buhay ng ating mga mahal.