Larawan ng babaeng nasa ilalim ng tubig, hindi inakalang painting ng netizens

Imahe mula sa Instagram account ni Reisha Perlmutter

Maraming netizens ang hindi makapaniwala, kabilang na ang inyong lingkod, na oil on canvass painting pala ang mga larawan ng babaeng nasa ilaim ng tubig na kumakalat ngayon sa social media.

Marami ang namangha sa artwork na ‘AQUA series’ ni Reisha Perlmutter, isang artist mula sa Naples, Florida na tanyag sa kanyang mga gawa na representational imagery ng kababaihan at tubig kung saan naikakabit niya ang relasyon sa pagitan ng katawan at kapaligiran gayundin ang persepsiyon ng kagandahan.

Imahe mula sa Facebook account Reisha Perlmutter

“Detail of one of my older paintings of my friend @ana_prodanovich. I loved working with this more muted and subtle palette. It reminded me of stone and water’s ability to ground. Saying goodbye to this piece as it finds itself in a new collector’s home, but always so excited that my experience and vision is appreciated and shared by someone else,” isinulat ni Perlmutter sa kanyang Facebook post.

“Thank you @fortworksart for being the ultimate painting/collector matchmaker #womeninwater #reishaperlmutter #perlmutter #oilpainting  #figurepainting #collector #gallery,” dagdag pa nito.

Sa kanyang Instagram account, nagpost naman si Perlmutter ng throwback picture ng kanyang pinakamalaking painting na isa rin sa pinakamatinding sumubok ng kanyang pasensya at kasabikan na makumpleto ang sinimulan gaano man ang maging kalabasan nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Reisha Perlmutter

Maraming netizens ang sobrang namangha sa ‘Women in Water’ artworks niya at sinasabing siya ay napaka-talentadong babae.

“Your work is just ridiculous … in a good way! Tremendous talent.”

“Absolutely unreal.”

“Realy beautiful. I like it so much.”

Dahil sa husay na taglay ng kanyang likhang hindi matawaran, ang kanyang mga gawa ay kinokolekta at ipinapalabas sa iba’t ibang bansa. Nakikilahok rin si Perlmutter sa mga museum shows sa United States at Europe, at ang kanyang mga artwork ay madalas na isinasali sa iba’t ibang auction.

Nakapagtapos si Perlmutter ng MFA sa New York Academy of Art na nagfo-focus sa figurative at anatomical painting.  Siya ay namamalagi at kasalukuyang nagtatrabaho sa New York City.