Lalaki sa Bulacan, ginawang pambuhos ang “Lemon softdrinks” sa palikuran

Image capture mula sa Facebook video post ni Carlos Delos Santos
  • Ginamit ng isang lalaki sa Bulacan ang “Lemon softdrinks” bilang pambuhos sa kanilang palikuran
  • Dulot ito ng nararanasang kakulangan sa tubig sa Bulacan dahil sa kritikal na antas ng tubig sa Angat Dam
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen

Kinaaliwan sa social media ang video ng isang lalaking ginawang pambuhos ang mga panindang “Lemon softdrinks” sa palikuran dahil sa nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa Bulacan.

Kinilala ang lalaki sa video na si “Orlando Delos Santos” na nakatira sa San Jose Del Monte, Bulacan at ang uploader ng video sa Facebook ay si Carlos Delos Santos. Makikita sa video na unti–unting binuksan ni Orlando ang mga bote ng “Lemon softdrinks” na nasa case, at isa–isang ibinuhos ang laman nito sa isang timba.

“Anak, anong ginagawa mo? Bakit binubuksan mo iyan?”

“Pambuhos po sa CR!”

Image capture mula sa Facebook video post ni Carlos Delos Santos

Batay sa caption, tatlong araw nang walang maayos na suplay ng tubig sa kanilang lugar, kaya wala na silang pamimilian kundi gamitin ang mga softdrinks bilang pambuhos sa toilet.

“Tatlong araw na kaming walang tubig! Buti na lang may lemon (softdrinks). Pambuhos ng toilet.”

Image capture mula sa Facebook video post ni Carlos Delos Santos

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Wow… ang sosyal naman ng pambuhos ng toilet. Softdrinks–softdrinks na lang! Palitan ko na lang po iyan ng mineral water hehehe.”

“Ibang klase ka, tol. Big time!”

“Hala ka kuya ipambubuhos mo sa CR yang softdfrinks? Hahaha iba na talaga mayaman.”

“Ayos nga iyan eh, kapag nauhaw ka habang nakaupo sa trono, inom ka muna ng softdrinks hahahaha.”

“Taga San Jose Del Monte din ako. Pwede naman kayong mag–igib sa amin, bayad na lang per cubic meter kaysa ganyan. Daming perang nasayang n’yo.”

“Sayang. Swap tayo, isang galon ko ng tubig sa softdrinks. Hahaha. Para softdrinks na din pambuhos namin sa inidoro. Nakakasawa yung tubig lagi eh. Hahaha.”

“Iyan ang mga Pilipino, mapamaraan!!!! Gagawin ang lahat para sa tawag ng kalikasan!”

Image capture mula sa Facebook video post ni Carlos Delos Santos

Kasalukuyang dumaranas ng kakulangan sa suplay ng tubig ang ilang mga lugar sa Bulacan dulot na rin sa kakapusan ng tubig sa Angat Dam.

Kaya naman, kanya–kanyang diskarte ang mga tao kung paano makapag–iipon ng kanilang tubig; salamat sa ilang mga serye ng pag–ulan tuwing hapon o gabi.

Samantala, panoorin ang buong video sa ibaba:

I–click ang larawan upang mapanood ang Facebook video post ni Carlos Delos Santos