Lacson at Sotto, perfect attendance sa mga plenary sessions sa Senado

Public Domain Image

“Perfect attendance” sina Senate President Tito Sotto III at Senador Panfilo Lacson sa pagdalo sa 61 plenary sessions ng ikatlong regular na congressional session sa Senado, batay sa 17th Congress attendance record na inilabas nitong Linggo, Hunyo 9, 2019.

“Sotto and Lacson have managed to keep a perfect attendance all throughout the 17th Congress, having accomplished the same in the first and second regular sessions in 2016 and 2017, respectively,” ayon sa opisyal na pahayag ng Senado.

Public Domain Image

Bukod kina Sotto at Lacson, lima pa sa mga senador ang nakadalo sa lahat ng plenary sessions mula Hulyo 23, 2018 hanggang Hunyo 4, 2019. Ito ay sina Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, Minority Leader Franklin M. Drilon, Gregorio Honasan, Joel Villanueva at Aquilino “Koko” Pimentel III.

Bukod sa perfect attendance sa ikatlong regular session, hindi rin nahuli o na–late , o kaya naman ay gumamit ng “sick leave” o “official business” sina  Sotto, Zubiri, Lacson, at Honasan. Samantala, may isa namang liban si Senador Nancy Binay dahil sa kanyang official mission sa abroad.

Sumunod sa kanya sina Senator Win Gatchalian, JV Ejercito at Cynthia Villar na nakadalo sa 58 sessions habang sina Senador Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV ay nakadalo sa 57 sessions.

56 sessions naman ang nadaluhan nina Senador Sonny Angara, Grace Poe, at Loren Legarda habang 55 sessions naman sina Senate President Pro-Tempore Ralph G. Recto at Senador Francis “Chiz” Escudero. Si Senador Richard Gordon naman ay 54 sessions at si Senador Bam Aquino naman ay 50 sessions.

Nasa “bottom three” naman sina Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao  na may 49 sessions habang si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ay 47 sessions. Karamihan sa kanyang mga rason ay dahil sa mga official mission na kailangan niyang personal na puntahan.

Hindi naman nakadalo sa alinmang plenary sessions ang nakakulong na si Senador Leila de Lima.

Public Domain Image

Mahalaga ang plenary sessions sapagkat ito ang nagiging daan upang pag–usapan at suriin ang iba’t ibang mga usaping pambayan ng mga mambabatas.