Kukunin na lang: School supplies sa Mandaluyong handa na sa pagbubukas ng klase




Imahe mula sa Facebook account ni Roselyn Napoles

Magbubukas na naman ang klase kaya naman ang mga guro at mga lokal na pamahalaan ay abala sa paghahanda upang tiyaking magiging maayos ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Habang naghahanda isa rin sa pinoproblema ng mga magulang ay ang mga school supplies na gagamitin ng kanilang mga anak sa klase. Patuloy kasi ang pagtaas ng presyo nito kapag nalalapit na ang pasukan.

Ngunit magiging masaya ang mga mag-aaral kung ang lahat ng ito’y ipamamahagi nang libre para sa mga mag-aaral mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Ganito sila sa Mandaluyong!

Proud na ibinahagi ng netizen na si Baby Aquino ang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa pamamahagi ng school supplies sa kanilang mga estudyante.

Ayon sa post: “Mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Mandaluyong nakahanda na ang school supplies na ipapamigay sa Lunes, unang araw ng pasok ng mga estudyante. Ang proyektong eto ay handog ng City Government of Mandaluyong. Credit to Photo Owner.”

Imahe mula sa Facebook account ni Roselyn Napoles

Makikita sa larawan na kuha ni Ma’am Roselyn Napoles, na nakatalaga na sa bawat upuan ng classroom ang mga school supplies at kukuhanin na lamang ito ng mga mag-aaral. Maliban sa mga school supplies ay may kasama rin itong school uniform. Talagang sulit nga naman!

Unang araw pa lamang ng klase ay nakagaganyak nang pumasok.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang gawain na ito ng Mandaluyong. Maraming netizens din ang nagpahayag ng paghanga sa lungsod:

“Nakaka-inspire naman, kami wala po! Sana lahat na school lalo na sa mga probinsya.”

“Sana lahat ganyan sa pampublikong  paaralan elementary or high school.’

“Wow nakakainggit naman. Sana may ganyan ding mamimigay sa aming mga pupils.”

“Sana meron dito sa Bulacan suwerte naman yung lugar na ‘yan. Sana ganito na sa lahat sa bansa natin.”

Imahe mula sa Roselyn Napoles Facebook account

Thumbs up, Mandaluyong!