Kilalanin: Top 5 Pinay celebrities na may pinakamaraming followers sa Instagram




Mga imahen mula sa Instagram account ng mga tampok na celebrities
  • Mahigit sa 9 na million ang aktibong Instagram users sa Pilipinas
  • Limang Pinay celebrities ang may pinakamaraming followers sa bansa
  • Ang top 1 sa listahan ay may mahigit sa 11.9 million followers

Tinatayang may isang bilyong Instagram users sa buong mundo. Sa Pilipinas, humigit-kumulang sa siyam na milyon naman ang aktibong gumagamit nito.

Bilang isa sa mga pangunahing social media platforms, maraming local at foreign celebrities ang gumagamit nito bilang bahagi na rin ng kanilang pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang online fans.

Ating kilalanin ang Top 5 Pinay celebrities na may pinakamaraming Instagram followers.

Top 5: Julia Barretto

Ang 22-year-old Star Magic talent at very vocal na gustong mag-Darna na si Julia ay may 7.2 million followers. Latest post niya sa kaniyang Instagram account ay kuha mula sa isang bakasyon at may caption pa na tila patama sa kaniyang humored ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Imahe mula sa Instagram account ni Julia Barretto

Aniya, “If I could turn back time, you can find me here.”

Top 4: Kathryn Bernardo

Mayroon namang 8.5 million followers ang happy girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn. Bukod sa mga produktong iniendorso, makikita rin sa kaniyang Instagram account ang mga travel photos niya. Kabilang na rito ang mga unforgettable moments ng KathNiel sa Morocco.

Top 3: Pia Wurtzbach

Ang 2015 Miss Universe naman ay may 8.6 million followers. Si Pia ay isa ring UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific. Karaniwang tampok sa kaniyang Instagram account ang kaniyang pagiging modelo at ang kaniyang adbokasiya.

Imahe mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Top 2: Liza Soberano

Si Liza, ang inaasahan noon ng lahat na gaganap bilang Darna, ay nasa number 2 spot sa ating listahan dahil mayroon siyang mahigit 10 million followers sa Instagram. Isa rin siya sa mga tinaguriang may pinakamagandang mukha sa showiz. Hinihintay ng kaniyang mga fans ang tuluyang recovery matapos ang operasyon sa kaniyang daliri.

Top 1: Anne Curtis

Mahigit dalawang dekada na sa showbiz ang Top 1 sa listahan na si Anne. Ang actress at host ay may mahigit sa 11.9 million followers. Ang misis ni Erwan Heusaff ay maraming taon nang aktibong sumusuporta sa mga adbokasiya ng UNICEF Philippines at noong Pebrero ng taong kasalukuyan ay itinanghal bilang isa sa mga National Goodwill Ambassadors ng UNICEF.

Ilan pa sa mga Pinay celebrities na umaabot sa mahigit 5 million ang followers sa Instagram ay sina Marian Rivera (6.7 million), Alex Gonzaga (6.7 million), Nadine Lustre (6.5 million), at Kim Chiu (6.4 million).