Kilalanin: ‘Most handsome’ Pinoy celebrity actor para sa mga New Yorkers




Mga imahe mula sa Facebook

Itinampok sa latest vlog ng American YouTube vlogger ang anim na ‘very famous male Filipino celebrities’ na layuning kilalanin kung sino sa mga ito ang “most handsome” para sa mga residente at turista sa New York City.

Kilala ang YouTube vlogger bilang Xiaomanyc na sinabing marami siyang audience mula sa Pilipinas kaya naisipan niyang itampok ang anim na Pinoy celebrities.

Nakaprint sa isang photo paper ang mga larawan nina (a) Enrique Gil, (b) Daniel Padilla, (c) Alden Richards, (d) Xian Lim, (e) Piolo Pascual, at (f) James Reid na ipinakita ni Xiaomanyc sa mga naglalakad sa Times Square.

Sa mga tinanong, marami ang nagsabi na ang anim na Pinoy celebrities ay mga “cute,” “hot,” at “handsome.”

Image capture mula sa YouTube video

Gayunman, mas marami ang bumoto kay James na nakakuha ng 10 votes. Pinuri nila ang young looking face, flowy hair, attractive eyebrows, at red lips ng boyfriend ni Nadine Lustre.

Top 2 naman si Xian (7 votes) na napagkamalan pang cast ng pelikulang Crazy Rich Asians. May nagkomento rin na may perfect jawline ang boyfriend ni Kim Chiu.

Si Daniel naman ang nasa top 3 spot (5 votes) na mukha raw 16 taong gulang lamang. Marami rin ang naakit sa smile at dimples ng young actor. Nagustuhan din nila ang makapal na buhok ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Image capture mula sa YouTube video

Sina Piolo at Alden ay parehong nakakuha ng tatlong boto. May nagkomento rin sa larawan ni Piolo na siya ang tipo ng ‘tall, dark, and handsome.’ May pumuri naman sa pananamit ni Alden.

Nakakuha lamang ng isang boto si Enrique na maaaring dahil sa wrong choice of picture, ayon na rin sa komento ng isa sa mga tinanong ng vlogger.

Bukod sa mga Amerikano, may ilang Chinese tourists din ang tinanong sa survey.

Samantala, nauna pa sa survey na ito ang pagtatampok ni Xiaomanyc sa six Filipino female celebrities na naglayong kilalanin kung sino ang pinakamaganda.

Tinampok sa survey na iyon sina Nadine Lustre, Maine Mendoza, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Maymay Entrata, at Anne Curtis kung saan itinanghal si Kathryn bilang ‘most beautiful’ dahil sa natural beauty nito.

Source :

YouTube, MSN, YouTube