KC Concepcion may tugon sa netizen na nangutya sa kanyang pagnenegosyo




Imahe mula sa KC Concepcion Instagram account

May resbak ang aktres na si KC Concepcion sa netizen na nangutya sa kanyang negosyo na pagbebenta ng alahas.

Ang tugon na ito ng aktres ay kasunod ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng  kanyyang jewelry business  – ang Avec Moi nitong Hunyo 3.

Ayon sa social media user na nagpahayag ng reaksyon sa kanyang Instagram post: “What happened with ur degree taken in Paris??? “Sus…magbebenta ka lang pala ng mga alahas! Nag Paris ka pa. “At MBA pa ngayun? Pagkatapos ng MBA, baka magbenta ka na rin ng mga pre loved.”

Sinagot naman ni KC ang naturang post sa disenteng paraan:

Ani KC sa netizen: “@vawn_dawn If you do not see what I have been doing with my degree then maybe you would benefit from getting an education. All the best, dear!”

Ang aktres ay nagtapos ng International Communications sa The American University of Paris, France noong August 9, 2007.

Imahe mula sa KC Concepcion Instagram account

Magugunita na noong 2018 ay kumuha si KC ng tatlong jewelry courses sa California, U.S.A. para sa kanyang negosyo.

Inalala naman ni KC ang mga hirap na pinagdaanan niya para itayo ang kanyang “small business.” Masaya umano ang aktres sa kanyang ginagawa sa kabila ng hirap.

May malaking impluwensya ang yumaong lola ni KC na si Elaine Cuneta sa pagkahilig nito sa alahas.

“I’m going crazy keeping up with @avecmoijewelry! Haha! Having a startup, or small business, is not easy at all but I love the challenge!” ayon sa post ni KC.

“Truly it takes focus, tenacity, hard work and the right people who not only have the brains but also the heart to care about your goals + your vision – those that don’t work for the status symbol but who‘ll tough it out with you and respect the process especially in the first few years, even without their names in lights!”

“These are the kinds of people I treasure”

Imahe mula sa KC Concepcion Instagram account

 

 

Source :

Instagram, PEP, IG