Juday nagbabala sa mga kumakalat na fake endorsements

Imahe mula sa Intagram post ni Judy Ann Agoncillo

Nagbabala si Judy Ann Santos sa mga kumakalat na fake endorsements na ginagamit ang kanyang larawan. Hindi niya umano kilala ang produkto at kung sino ang mga nasa likod nito kung saan ginagamit ang kanyang mga imahe para i-endorso ang isang “pampapayat”.

Dagdag pa niya, kahit kailan hindi pa niya nakikita at nasusubukan ang produkto.

Imahe mula sa Instagram post ni Judy Ann Agoncillo

“Once again.. i am not endorsing “PURPLE MANGOSTEEN” .. never saw this product , never tried.. and never will.. hindi ko kilala kung sino ang mga tao sa likod nitong produktong ito.. at kung sino ang gumagawa nito. My team tried reaching out to them, pero walang nagrereply sa kanila..”

Imahe mula sa Instagram post ni Judy Ann Agoncillo

Ayon din sa kanyang Intagram post, wala din umano siyang Facebook account. Nakiusap at nagpaalala siya sa mga netizens na hangga’t hindi siya mismo o kahit sinong artista ang nag-post o nagsabing ginagamit nila ang produkto, huwag na huwag maniniwala dahil mayroon umano silang mga accounts para doon manggaling ang mga balita o gusto nilang iparating sa lahat.

Dahil dito, marami ring netizens ang nagbigay ng komento sa nasabing issue:

“Very much well said.”

“She’s not contradicting the health benefits of mangosteen. What she’s trying to say is that she never endorsed this product. Yun lang! Please read between the lines.”

“Dami ng celeb ang ginagamit for fake endorsements.”

“Tsk tsk so bad, Juday! Karma will get them back. #scammers.”

“May gumamit sa name mo sa fb Juday..finalow ko pero hindi ko naintindihan bakit ibang buhay ng tao ang lagi nya post..kaku hindi eto acct ni juday..so un inun follow ko na..”

Imahe mula sa Instagram post ni Judy Ann Agoncillo

Sinabi pa ni Juday na ang mga accounts na “JUDY ANN AGONCILLO or JUDY ANN SANTOS AGONCILLO” ay hindi niya mga accounts at paki-unfollow. Nagpapasalamat din siya sa mga taong nagmalasakit at nagtanong kung konektado siya sa nasabing produkto.

“I DONT HAVE ANY FACEBOOK ACCOUNT ANYMORE.. pls. Beware of people using celebrities to promote their products.. hanggat hindi po mismong ako o kahit na sinong celebrity ang nag post or nagsabing ginagamit namin ang isang produkto, wag na wag po kayong maniniwala.. kaya may mga sarili kaming accounts para mismong sa amin manggagaling ang mga balita na gusto naming iparating sa inyong lahat.. salamat rin sa mga taong concern at nagtanong kung kunektado ko sa produktong to… if you are following the facebook account under “JUDY ANN AGONCILLO OR JUDY ANN SANTOS AGONCILLO “ pls. Pls. Pls.. unfollow..”