John Lloyd Cruz lalong kinasabikan ng mga fans dahil sa bagong Facebook profile picture




Imahe mula sa Facebook page ni John Lloyd Cruz
  • Bagong tabas si John Lloyd Cruz sa latest profile picture sa kaniyang Facebook page
  • Maraming fans ang kinasasabikan ang kaniyang pagbabalik sa showbiz
  • Maugong din ang balita na may comeback movie siya kasama si Bea Alonzo

Tuluyan na bang magbabalik sa showbiz industry si John Lloyd Cruz matapos nitong mag-indefinite leave of absence sa ABS-CBN noong Oktubre 2017?

Ang pananabik ng mga fans ni Lloydie, palayaw ng aktor, ay masasalamin sa mga komento sa isang verified Facebook page ng aktor na may bagong profile picture.

Bagong gupit at kaka-trim pa lamang ng balbas ni Lloydie sa latest nitong picture—nawala na ang pagiging balbas-sarado nito.

Mas presentable ang itsura ng aktor kung ikukumpara sa mga naunang larawan niya na lumabas sa social media noong Abril at Mayo.

Ang bagong larawan ni Lloydie ay ginamit ding profile picture sa kaniyang Instagram account. Magandang pahiwatig ito na babawi ang aktor sa mga fans nito at sisimulan na niyang muli ang panibagong kabanata sa kaniyang showbiz career.

Imahe mula sa Facebook page ni John Lloyd Cruz

Mahusay na aktor si Llyodie na nagwagi na rin bilang Best Actor sa FAMAS Awards kaya imposibleng bitiwan na lang siya nang biglaan o imposibleng hindi siya bigyan ng second chance ng ABS-CBN o ng Star Magic.

Finally Found Someone (2017) ang huling pelikula  ni Lloydie na co-star si Sarah Geronimo. Ang Home Sweetie Home na katambal si Toni Gonzaga naman ang huli niyang TV show bago nag-leave sa showbiz.

Sa ngayon, may mga haka-haka na may bago silang ‘nilulutong’ proyekto ng isa sa mga famous leading ladies ni Lloydie na si Bea Alonzo.

Katunayan, kamakailan lamang ay nag-viral ang photo nila na magkasama na kuha sa Palawan. May caption pa nga ang larawan sa Instagram ni Lloydie na “Popoy and Basha reunited in Palawan.”

Imahe mula sa Facebook page ni John Lloyd Cruz

Ang huling pagtatambal sa pelikula nina Lloydie at Bea ay noon pang 2015 sa A Second Chance na sequel ng One More Chance (2007).

Pang-third chance kaya ang pagkikita ng dalawa sa Palawan?

Sana ay ituloy-tuloy na ni Lloydie ang kaniyang pagbabalik sa industriyang nagbigay sa kaniya ng maraming pagkakataon na maipakita ang kaniyang mga talento.