Isko effect? Dasal ng publiko, malinis at maluwag na Divisoria mapanatili sana




Imahe mula sa Armani Chua Fashion Facebook account
  • Nagpasalamat ang isang social media user kay incoming Mayor Isko Moreno sa malinis na kalagayan ng Divisoria
  • Maraming netizens ang natuwa sa maluwag na Divisoria
  • Ikinatuwa ng maraming netizens ang pagbabagong ito

Karaniwang eksena sa Divisoria ang maraming tao at mga side walk vendors na nagreresulta sa matinding trapiko sa lugar.

Kaya naman tanong ng marami may pag-asa pa kayang lumuwag ang lugar na dinarayo ng mga tao dahil sa mura nitong paninda?

Posible! Wala pa man sa puwesto ay nararamdaman na si Mayor Isko Moreno sa Maynila. Naging usap-usapan kasi ang maluwag na Divisoria na kinasanayan nating masikip, matao at matrapik.

Proud na ibinahagi ni  Carmela Galang Resurreccion sa kanyang Facebook account ang ‘di pangkaraniwang linis at maluwag na Divisoria. Kasunod nito ang pagpapasalamat kay incoming Mayor Isko.

Ayon sa post: “Dati walang makadaan kahit na tricycle, maski na mga tao hirap maglakad sa kahabaan ng Soler dahil sa mga walang disiplinang mga vendor, ngayon kahit malaking sasakyan makadadaan na sa sobrang luwag ng kalsada. Salamat Mayor Isko Moreno sa pag-aayos ng Divisoria.”

Imahe mula sa Carmela Galang Resurreccion Facebook account

Aprub naman sa mga social media users ang maluwag na Divisoria na ito:

“This is it . .Pasalamat kami sa millennials nagpanalo kay ISKO . We are waiting for …Manileñio gumaganda na ang MAYNILA …lalo ang DIVISORIA .Legit na Manilenio ang MAYOR natin.”

“Mga vendor nagagalit. Pero MAS MARAMI ANG NATUWA AT MASAYA dahil hindi na mahirap maglakad sa Divisoria.”

“Sa pamamagitan ng pagsasayos ng Divisoria nababawasan din ang mga lantarang pag-snatching sa mga mamimili at mga tourista at nakakasakay din agad nang maayos patungo sa kanilang paroroonan!.Salamat sa bago nating Mayor Isko Moreno sa pakikipagtulungan ng ating mga tapat na kapulisan upang maisaayos ang Divisoria sa lungsod ng Maynila! Mabuhay po kayo at more power!”

“Sa wakas gumanda luminis at walang vendors… Sana mapanatili ni Mayor Isko yan.”

“Mayor keep it up , nawa samahan kyo ng ating Panginoon Jesus sa maganda po ninyo hangarin para sa Manila , God bless u always!”

Imahe mula sa Abigail Perez Forbes Facebook account

Kamakailan naging viral din ang malinis na Blumentritt market dahil tulad ng Divisoria ngayo’y maluwag, malinis at magaan ang daloy ng trapiko dito.