Isang Indiano, idinaan sa mga “hugot lines” ang sakit ng ulo sa mga pautang

Imahe mula sa video ni Jonjonkombat Pasion via Facebook

Sino’ng magsasabi na ang isang taong madalas hingian ng tulong, lalo na ng may pangangailangang pinansyal, ay siya namang lalapit sa kinauukulan upang sumaklolo?

Ilang buwan nang viral sa social media ang katuwaan lamang na mga memes ng mga Indianong ang hanapbuhay sa bansa ay nagpapautang o 5-6. Sila ay kilala rin sa tawag na “bumbay”, ang dating pangalan ng bayan sa India na Mumbai. Madalas ay nakasakay sila sa motor na gamit nila sa pagpapautang at paniningil.

Imahe mula sa video ni Jonjonkombat Pasion via Facebook

Nitong buwan ng Abril lamang ay dumulog sa barangay ang isang Indian national na nagngangalang si Melvin upang isumbong ang mga nangutang sa kanya na hindi nagbabayad at tila pinagtataguan na siya. Subalit sa halip na magalit ay tila natatawa umano ito dahil sa mga reklamo niyang idinaan niya sa hugot.

Talaga namang naka-relate siya sa mga memes mula sa naturang Facebook page na kahit nagsimula sa katuwaan ay may layunin ding ipahayag at bigyang tinig ang mga reklamo ng kagaya niyang nagpapautang at pinagtataguan kapag oras o araw na ng bayaran.

Ang ilan sa mga hugot niya ay ang mga sumusunod:

“‘Pag lindol ‘di ramdam, pero ‘pag ako dating layo pa lang ramdam na agad?” ang unang hugot ni Melvin habang kausap ang kapitan ng barangay na natatawa umano sa kanyang pahayag.

“‘Pag ako bigay, tali aso. ‘Pag ako singil, ‘di na tali,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Facebook page ng Bombay Scientist

Marami ang naaliw sa naturang video ni Melvin na umabot sa mahigit 3.5 million views, 68,000 reactions, 640 comments, at 131,000 shares mula sa orihinal na uploader na si Jonjonkombat Pasion.

Karamihan sa mga netizens ay natawa, at ang ilan naman ay naawa.

“Pindot doorbell, bigla namatay ilaw,” biro ni Arianne Angeline Vinarao Reñosa.

“Minsan naawa din ako dito, isipin mo halagang bente araw-araw ka nila pupuntahan,” komento naman ng Facebook user na si Yata Zevahc Odned.

Panoorin:

“Nag reklamo na sa barangay
Si BUMBAY.”

Ng reklamo na sa barangaySi BUMBAY..😂😂😂

Posted by Jonjonkombat Pasion on Wednesday, April 24, 2019