Handa na! Mga evacuation tents sa Valenzuela, ibinida




Imahe mula sa Facebook account ni Rex Gatchalian

“Alagang ValenzuelaÑo”

Ibinida ng mayor ng Valenzuela na si Rex Gatchalian ang mga evacuation tents para sa mga pamilyang maaapektuhan ng anumang uri ng kalamidad, sa kanyang opisyal na Facebook account.

Bagama’t aminadong hindi sa Valenzuela ang unang lungsod na nagkaroon ng evacuation tents, sinabi ni Mayor Gatchalian na natuto sila sa iba pang karatig na lokal ng pamahalaan na magkaroon nito, at binigyan nila ng enhancements. Mas pinalaki, mas pinalawak, at nilagyan nila ito ng bubong.

“We learned from other local government units, but we added a couple of enhancements though. Our shelter – bigger, has ceiling and has an option to be used outdoors in case the evacuation sites are outdoors.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rex Gatchalian

Bukod sa mismong tents, bawat pamilya ay may nakalaang kumot, mats, at urinals gayundin ang hygiene kits at mga damit. Idagdag pa ang libreng food packs.

“At least, maski paano with the beddings and shelter comfortable sila. Families get a comfort kit – that includes blanket, mats, urinals. Also they get a family kit – that has hygiene kits and clothes inside. Not to mention food packs…”

Imahe mula sa Facebook account ni Rex Gatchalian

Umani naman ito ng magagandang reaksyon mula sa mga taga Valenzuela. Ayon sa kanila, talagang “hands on” si Mayor Gatchalian sa pagresolba sa mga suliranin ng Valenzuela, lalo na sa mga mahihirap. Maganda umano ang pamamalakad ni Gatchalian sa Valenzuela kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga nasasakupan.

“Nakakahanga talaga ang Mayor namin. Mayor, iba ka!”

“Sana lahat ng mayor katulad ni Rex Gatchalian, isa siyang good Samaritan sa lahat ng taong gusto niyang mabago ang buhay. Mahal ka namin, Mayor!”

“Super proud ako kay Mayor Rex Gatchalian sa school na pinagtuturuan ko po, sila ni Sen.Win Gatchalian nag-aral… sa GRACE CHRISTIAN COLLEGE, sa QC. Napakaganda ng pagpapalaki ng magulang nila sa kanila, sana mapalaki ko ring ganyan ang mga anak ko.”

Sa kabilang banda, may paalala naman ang mga netizen sa mga pamilyang gagamit ng mga evacuation tents.

“Sana sa mga gagamit niyan sa susunod, ingatan at huwag sirain, para din sa inyo ‘yan lalo’t panahon na naman ng mga bagyo.”

“Napakagaling at napakaganda po ng mga nagagawa niyo para sa mga taga–Valenzuela, pero sana din po kung sino man ang gagamit ng mga iyan, pag–ingatan naman po natin para hindi agad masira.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rex Gatchalian

Bahagi ang lungsod ng Valenzuela sa CAMANAVA area, kasama ng Caloocan, Malabon, at Navotas na madalas binabaha kapag tag–ulan.

Mabuhay ka, Mayor Rex Gatchalian! Dapat kang pamarisan!