Good vibes: $3k cash, credit card isinauli ng taxi driver matapos maiwan ng pasahero




Screen shot mula sa GMA video

Sa mga panahong nangingibabaw ang mga masasamang pangyayari at nakalulungkot na balita, kailangan natin ng mga kuwentong positibo na makpagpapataas ng ating moral at makapagpapanumbalik ng tinatawag nating “faith in humanity.”

Hindi na bago ang kuwento ng mga taxi dariver na nagsasauli ng mga naiwang mahahalagang bagay sa kanilang sasakyan ngunit ang sarap pa ring makabatid ng mga kuwento ng katapatan, ‘di ba?

Tulad na lamang ng kuwento ni  Manuel Briones, isang taxi driver na nagsauli ng pitaka na naglalaman ng mahigit $3,000 na cash, credit cards, I.D., at passport na naiwan ng kaniyang pasahero sa Naga City, Camarines Sur.

Imahe mula sa GMA video

Ayon sa ulat ng GMA, natuklasan ng may-ari na naiwan niya ang kanyang pitaka sa taxi ni Briones, kaya hinanap nila ang sasakyan at natunton nila ito sa isang mall.

Hindi raw batid ni Briones na may naiwang pitaka sa kaniyang taxi, ngunit kung sakaling makita niya ang may-ari ay hindi siya magdadalawang-isip na isauli ito.

Labis ang pasalamat ng pasahero dahil naibalik sa kaniya ang kaniyang wallet.

Umani ng papuri sa mga netizens ang kahanga-hangang katapatan ni Briones:

“Marami pang blessing darating sa ‘yo kuya sa ginawan mong pagbalik ng pera sa may-ari. Pagpalain po kayo at ingatan ng Panginoong Dios ang bawat biyahe ninyo.”

“Dakila ung iyong puso pagpalain ng Panginoon ung isang tulad mo kapit lang sa kanya gagabayan ka niya lagi.”

“Saludo ako sa yo Kuya. Napakalinis at may maganda kang puso. Tularan ka sana ng iba pa. God Bless you and your family.”

“Pagpalain ka ng Diyos Ama at dumami sana ang tribu ninyo!”

“Mabuhay ang taxi driver na to..parang di nya pinaghirapan naisipan nyang ibalik…dapat ‘yan ang tularan ‘di ba Ben tulfo at sen.Bong?”

“God bless you bro. Your good deeds will be highly regarded by our heavenly father.”

Lakas maka-good vibes ni manong tsuper! Pagpalain ka nawa at tularan din ng kapwa taxi driver.

Panoorin ang ulat na ito ng GMA para sa iba pang detalye:

 

Source :

You Tube, GMA