Asia’s Got Talent runner up Gerphil Flores, nagtapos ng Art History course sa Canada

Larawan mula sa Instagram account ni Gerphil Flores

Matapos mag-uwi ng karangalan para sa mga kapwa Pilipino at itanghal bilang second runner-up sa reality competition na Asia’s Got Talent season 1, muling pinahanga ni Gerphil Geraldine Flores ang kanyang mga kababayan nang matapos niya ang ikalawang kurso sa isang prestihiyosong unibersidad sa Canada.

Masayang ibinahagi ng classical music performer sa kanyang Instagram post ang graduation picture  niya sa The University of British Columbia kung saan natapos niya ang kurso sa Art History na ayon kay Flores ay sumasaklaw sa kasaysayan ng musika, pagpipinta, iskultura, architecture, at photograpiya.

Larawan mula sa Instagram account ni Gerphil Flores

Saad ni Flores, ang pag-aaral niya sa Canada ay bahagi ng pagtupad niya sa pangako sa sarili na hindi siya hihinto sa pagkatuto, lalo na sa pinakamamahal niyang sining.

If there is one thing I learned in life that I will never get tired of sharing with others is that you should never stop learning. Learn more, discover more,” bungad ni Flores.

Dagdag pa ng singer, bagama’t nalayo siya sa kanyang pamilya nang halos dalawang taon, sulit naman daw ang pamamalagi niya sa unibersidad dahil dinala raw siya nito sa kakaibang mundo ng sining na ngayon lamang niya natuklasan.

Even though I’ve been away from the Philippines for almost 2 years, every experience I’ve had in this university led me to see the world of Art as if I was riding a magical carpet where it took me on a whole new journey,” pagpapatuloy ni Flores sa kanyang Instagram post.

Inialay din ni Flores ang tagumpay na ito sa mga taong sumuporta sa kanya upang makapag-aral sa kanyang dream school kabilang na ang kanyang nanay, tatay, mga naging kaibigan sa Vancouver, at ang kanyang fiancé.

Hindi ito ang unang kurso na natapos ni Flores dahil noong 2016, natapos niya ang Bachelor’s Degree in Music sa University of the Philippines-Diliman.

Larawan mula sa Instagram account ni Gerphil Flores

Ikinatuwa naman ng fans, mga kaibigan, at kasamahan sa industriya ang bagong achievement ni Flores.

What a charming amazing life so far. More to come, Gerphil,” sabi ng Asia’s Got Talent host na si Rovilson Fernandez.

Bago sumabak sa Asia’s Got Talent, unang sumali si Flores sa Pilipinas Got Talent bilang si Fame Flores.