Father’s Day tribute na self-portrait alay sa amang namaalam na

Larawan mula sa Facebook post ni Ely Robles Jr.

Viral ngayon sa social media ang maagang Father’s day tribute na self-portrait para sa amang namayapa na ni Ely Robles Jr. ng Las Pinas City.

Kuwento umano ni Ely, naisipan raw niya itong gawin bilang alay sa kanyang ama na kinuha na ng Lumikha noong nakaraang linggo.

Larawan mula sa Facebook post ni Ely Robles Jr.

Ayon pa kay Robles, nagsilbi din umano itong throwback picture niya at nagsimula ito noong maghanap siya ng mga lumang litrato na kasama niya ang kanyang ama. Sa obra na ito makikita ang kanyang sanggol na litrato kung saan kasama niya umano noon ang kanyang tatay at nagtapos sa itsura niya noong hinatid niya ang kanyang ama sa huling hantungan.

Dahil dito umani ito ng paghanga at iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

“Wow kuya, idol talaga kita”

“Galing mo Sir”

“Galing ng kamay mo sir Godbless”

“Keep it bro.. Ur father still very proud of you wherever he is now”

“Boss sa kabila ng lahat nangyari sa ‘yo, magagandang biyaya din ang dumarating sa ‘yo. Idol, wala kang katulad! Panalo ka Idol!”

Larawan mula sa Facebook post ni Ely Robles Jr.

Dagdag pa ni Robles, bago pa namayapa ang kanyang ama ay nakagawa na rin siya ng maraming paintings na nanalo sa iba’t ibang kompetisyon at marami ang humanga sa kanyang mga makahulugang obra.

Larawan mula sa Facebook post ni Ely Robles Jr.

Mayroon din siya umanong mga likha na kuwela. Kahit anong bigat ng kanyang pinagdadaanan hindi niya nakalilimutang tumawa.

Source :

Facebook, Facebook, FB