Farewell speech ni Catriona Gray, umantig sa mga manonood

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Ilang minuto bago ipasa ni Binibining Pilipinas Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang korona sa bagong “reyna” ng Pilipinas na si Gazini Christiana Ganados ay pinaiyak muna niya ang sambayang Pilipino dahil sa nakaaantig niyang farewell speech.

Sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2019, taos-pusong nagpasalamat si Catriona sa mga Pilipino at sa bansang kaniyang kinakatawan.

“Philippines! My heart is overflowing with gratitude, because here, on this exact stage, I was given the chance to pursue this dream,” pambungad na pahayag ni Catriona.

Nagpasalamat din si Catriona sa lahat ng taong nagparamdam sa kaniya ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Kinilala rin niya ang suportang natatanggap mula sa sambayanang Pilipino na naging dahilan upang mapagtagumpayan niyang akyatin ang tatlong ‘bundok’ sa kaniyang buhay.

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

“I knew that I had a big role to step up to once the Miss Universe Philippines sash was placed across my heart. And Along the way, I had to surmount three mountains—to conquer three Mayon Volcanos,” dagdag pa niya.

Ang unang napagtagumpayan umano ni Catriona ay ang takot na nagmumula sa kaniyang kalooban, tulad ng takot na mawalan, takot na magkamali, at takot na mahusgahan.

“But I conquered my fear with faith—faith that God purposely set me on this path and that He would not give me a burden too heavy to carry,” paliwanag ni Catriona.

Ang ikalawang napagtagumpayan niya ay ang takot sa mga negatibong sasabihin ng ibang tao, tulad ng mga nagsabi noon sa kaniya na hindi siya mananalong Miss Universe.

Gayunman, napagtagumpayan niya ito dahil pinalibutan niya ang kaniyang sarili ng mga taong tumulong sa kaniya—ang Team Catriona.

Ang pangatlong napagtagumpayan ni Catriona ay ang purpose o layunin niya sa buhay. Marami din siyang katanungan sa sarili kung para saan ang lahat ng kaniyang tagumpay.

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

“I looked down at the lettering over my heart, and it said Philippines. I felt its weight, knowing the history, challenges, and triumphs of the Filipino people, I thought of the children of Tondo and of my countrymen,” paliwanag ni Catriona.

Maligaya rin si Catriona na mapaglingkuran ang 104 milyong Pilipino at alam niyang para sa Pilipinas ang kaniyang pagkapanalo.

“Inside each and every one of us is a king or queen with the ability to conquer the universe, whatever that may be for you. But we must first conquer ourselves, conquer what others perceive of us, and finally, conquer with a purpose,” pahayag pa niya.

Salamat sa ABS CBN sa pagkakataong mapanood at mapakinggan natin si Catriona saan man tayo naroroon sa mundo: