Ethel Booba, ‘pinag-iingat’ sa China matapos mag-ala Pinay na isda




Imahe mula kay @IamEthylGabison | Twitter
  • ‘Pinag-iingat’ ng netizens si Ethel Booba sa China matapos nitong magpost suot ang isang costume na mala-sirena
  • Sinabi nito sa caption na isa siyang exclusive na isda na makikita lamang sa Pilipinas
  • Marami ang nag-react dahil sa mainit na talakayan ngayon tungkol sa pangingisda ng China sa dagat ng Pilipinas

Mainit pa ang talakayan tungkol sa komento ni Senator Tito Sotto ukol sa pangingisda ng China sa mga dagat na nasasakupan ng Pilipinas.

Imahe mula kay @ethelbooba | Instagram

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mamamayan at patuloy na pinag-uusapan kung tama nga ba o hindi na payagan ang China sa patuloy nitong pagkuha sa yamang-dagat na sakop ng Pilipinas.

Hindi naman napigilang makisali ni Ethel Booba sa issue.

Bagama’t kilala siya sa kaniyang pagpapatawa ay nagbigay si Ethel ng maiksi ngunit malamang pahayag tungkol dito.

Sa Twitter, nagpost ng larawan ang komedyante kung saan may suot itong kulay orange na buntot o custome ng isang sirena.

Imahe mula kay @IamEthylGabison | Twitter

“Exclusive type of fish found only in the Philippines,” sabi niya sa post. “Charot,” dagdag nito.

Marami ring netizens ang nag-react dahil sa kaniyang post.

May ilan na humihingi ng katibayan kung talagang sa Pilipinas siya nanggaling samantalang ang iba naman ay pinag-iingat siya sa bansang China dahil baka angkinin siya nito.

“Anong tawag sa exclusive fish na to,” tanong ni MS.

“Make sure you got your passport with you, else China will says’That’s our EEZ fish – Exclusive Extraordinary Zerena! Charot,” komento ni IC sa post.

Imahe mula kay @IamEthylGabison | Twitter

“Fish passport or entry denied. For clarifications, ask @sotto_tito,” suhestiyon ni D kay Ethel.

“Ikaw na ba magbabantay sa dagat pra alamin kung ang isda na papasok sa EEZ ay galing China,” mausisang tanong ni JL.

“Oh, ‘yan siguro naman very Filipino fish ito. Along the municipal coast line, bawal hulihin ng Intsik,” sabi naman ni SL.

Source :

Twitter